Chapter Seven

35 2 0
                                    

So here i am at Llano Soledad Incorporation. Dito nag graduate si Daddy at Mommy. Kaya dito nila kaming plinanong magkolehiyo.

Maayos at sistematic ang pamamalakad dito sa paaralan. Bukod sa magagaling ang mga guro ay disiplinado din ang mga estudyante. May kamahalan ang tuition fee ngunit isa sa mga pinaka mataas na paaralan sa bayan.

Hinarap ko ang malaking arko na main gate ng unibersidad. Naroon ang mga estudyanteng kumpulan dahil nag tsitsismisan, mga nerds, mga gangsters, mga geeks, at syempre hindi magpapahuli ang mga lovers. Mga couples na sabay papasok sa school nang naka holding hands. Meron ding mga bitter na sinisigawan ung mga couples na 'Walang Poreber! Magbebreak din kayo' 

Isang taon na lang ang ilalagi ko dito sa paaralan. At bilang Presidente ng buong paaralan isang napakalaking karangalan sa akin na maging parte ng LSI. And im Alex Juliet M. Benitez, Student Council President, turning 19, 4th year college taking Bachelor Of Science in Bussiness Administration.

Inayos ko ang sakbit ng aking backpack at naglakad na papasok ng main gate ng Academy.

Nandoon si Manong Nestor na body guard ng school na pinapasukan ko.

"Ohh Juliet! Maligayang araw sayo!" Bati sakin ni Mang Nestor habang pinapakita ko ang aking School ID at nagsusulat sa LogBook. Bilang isang Student Council President ay kinakailangang ilista ang oras ng pagpasok at paglabas sa Academy.

"Maligayang araw din sayo Mang Nestor! Mauuna na po ako!" sambit ko habang naglalakad at kumakaway sa kaniya.

May mga nakakasalubong akong estudyanteng ngumingiti sa akin.

"Hi Miss P! Have a nice day!" said the girl with a nerdy glasses.
"Ganun din sayo." then i smiled.

Then a circle of friends greeted me at the hall "Goodmorning Miss P!"
"Goodmorning din sa inyo." I smiled again.

Nilakad ko ang 1stfloor ng Gabaldon Area. Ang iilang classroom ay tahimik dahil kasalukuyan silang nagkaklase. Samantalang ang mga estudyanteng nakatambay naman sa sahig ay abalang nag aaral at nagrereview sa kanilang aralin.

Sa kabila ng paglalakad ay natatanaw ko ang pintuan ng Student Council's Office na siyang aking unang pupuntahan.

Nakita ko si Ash sa kaniyang table na abalang nagtatype sa kaniyang laptop. Agad naman niya akong napansin.

"Mas maganda ka pa sa umaga Pangulo!" Bungad ni Ash na aking Bise Presidente. Itinigil niya ang kaniyang ginagawa at niligpit ang kaniyang mga gamit sa lamesa.

"Tigilan mo ko Ash. Wala akong barya." Ako naman ay pumunta sa aking table na punong puno ng papel at mga notes. At sa unahan ng lamesa ay nakalagay ang aking buong pangalan.

Nilagay ko ang aking name plate sa aking uniform bilang pagkakakilanlan sa akin. Inayos ko ang aking buhok at naglagay ng vitress.

"Hindi ka naman mukhang stress pangulo. Hindi mo na kailangan magpaganda." Sambit pa niya habang kumukuha ng pagkain sa fridge.

Nakakita ako ng bottled watter at mabilis na ibinato sa kaniya. Ngunit asintado naman niya itong sinalo. "Anong kailangan mo Ash? Puring puri mo ako ngayon ah. Isang puri mo pa at lalayasan ko ang mga gawaing ito at ipapagawa ko sayo."

Lumapit siya sakin habang kinakain ang kaniyang chips. "Wala naman akong kailangan pangulo. Hahahaha. Wala talaga." Umupo siya sa harap ng aking lamesa at kumain pa din ng kumain.

"Ohh? Ehh ano pang ginagawa mo jan sa harapan ko? Ipagpatuloy mo na ung ginagawa mo." Sabi ko sa kaniya habang binabasa ang mga reports.

"AJ, aware ka naman siguro sa Chit of Llanos diba?" Itinuon niya ang kaniyang braso sa harap ng aking mesa.

Alex and AlexisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon