Alexis' POV
It was a good monday. And i've started my day with a cup of nescafe creamy white coffee.
'Naks. Lakas maka commercial. Hahahaha'
Sapat na para sa akin ang isang oras na pagtulog.
Ginising ako ng alarm clock ng aking cellphone.
Matapos ko magkape ay naligo ka agad ako at mabilis na naghanda sa aking pag pasok. I also checked my school stuffs.
Naging madali din sa akin ang pag hahanda dahil bukod sa gwapo ako ay hindi din ganoon kalaki ang aking katawan para kumilos ng mabagal.
'Macho kaya ako. Hahahaha'
Bago ko maisakbit ang aking bag ay nahagip ng aking mga mata ang picture namin ni Klare na magkasama. Naka akbay ako sa kaniya at naka lean naman yung ulo niya sa aking balikat. Nakangiti akong nakatingin sa kaniya at ganon din siya sakin.
'We're both deeply inlove with each other, back then'
Naka display ito sa ibabaw ng aking side table. Nilapitan ko ito at saka itinabi ang picture frame sa first drawer.
'Its time to forget her AJ. She is not worth it'
Mabilis na nabago nito ang mood ko. Ngunit binalewala ko na lamang ito.
Lumabas na ako ng aking kwarto at mabilis na bumaba sa hagdan at dumerecho ako sa kusina para mag almusal. Naabutan ko don si Daddy na maarteng hinihiwa ang kaniyang pancake.
Napangiti ako sa inaasal niya.
Nilapitan ko siya at akmang hahalikan siya sa pisngi ngunit pinigilan niya ako gamit ang kaniyang kaliwang kamay.
"Huwag mo kong hahalikan. Nakakadiri anak. Hahahahaha" sabi niya.
"Bwuahahahahaha! Lols dad! Lakas mo. Ewan ko sayo, hahahaha." Umupo agad ako sa left side ni daddy at napansin ko na kaming dalwa pa lamang ang naka upo sa hapag kainan. "Where's mom?"
"Ginigising siguro ung kapatid mo. Natututo na ring mag puyat yun." pagkatapos niyang sabihin yun ay uminom siya ng kape.
Kumuha ako ng pancake at nilagay ito sa aking plato. At naglagay ng maraming chocolate syrup. "Aba! Baka may girlfriend na? Hahahaha."
Tiningnan ako ng maigi ni dad at sinabing "Sana lahat ng nagsasabi ng 'Hahahaha' ay tunay na masaya"
>_< kailan pa natutong humugot ang dad ko?
"Dad.."
"I knew it already AJ."
Hindi ako nakapag salita agad bagkus ay naghiwa ako ng isang piraso ng pancake at saka kinain ito.
"Why would a guy left outside even if it is too late in the evening." Natigilan ako sa kaniyang sinabi habang binitawan niya ang knife at fork. Hinawakan naman niya ang kaniyang tasa. "Yang mga ganiyang gawain AJ? Kilos heartbroken. I know you a lot. You are my son. Dugo ko ang dumadalay sayo. At alam ko kapag nasasaktan ang anak ko."
Tumigil ako sa pagkain "She broke up with me Dad. And..."
Tinitigan niya ako at hinihintay ang aking sasabihin.
"And she cheated on me. For six months..." Tumingin ako sa itaas at pinilit pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak.
Hinawakan niya ang aking balikat "As i have said. I know you a lot. Alam kong madali kang makakamove on at nakakalimot. You are with us, with your family. Sabihin mo lamang kung kailangan mo ng oras namin para makapaglibang at makalimot. Tutulungan ka namin ni mommy mo. We love you so much. Ayaw ko na nakikita kang nasasaktan ka. Dahil naniniwala ako na tayong mga pogi, hindi dapat pinapaiyak"
BINABASA MO ANG
Alex and Alexis
Teen FictionAlex Juliet M. Benitez - Mayroong perpektong buhay. Mayaman, mabait, matalino, madaming kaibigan at lahat ng gusto niya ay pwede niyang makuha. Pamilya nila ang may ari ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Isa bagay lang ang ipinagkait sa ka...