Alex' POV
Wala akong alam na maitutulong sa kaniya dahil miski ako ay hindi ko maintindihan kung bakit siya nag kakaganiyan. Kaya lumapit na lamang ako sa kaniya at kinabig ang kaniyang katawan palapit sa akin.
At saka binigyan siya ng isang mainit na yakap na wari'y kailangan niya ngayon. Naramdaman ko naman ang kamay niya saking likod at ang ulo niyang nakapatong na sa aking balikat.
"I love her more than anyone. More than anything. I love Klare so much." sambit niya habang umiiyak.
"Shhhhh." yan lang ang tanging nasambit ko at saka pinispis ang kaniyang likuran.
Ang buong akala ko'y ako ang nangangailangan ng yakap ngunit mas may ibang tao pa palang nasasaktan at nangangailangan ng ibang tao ngayon.
This man, i never thought that i will encounter a man that is crying in front of anyone, because of a girl he love so much. Hindi ko alam na may ganitong klase pa pala ng lalaki.
Para siyang batang iyak ng iyak kasi iniwan siya ng mama niya sa school. Hahaha. Natawa ako sa naisip ko.
"Ui, tahan na nga diyan. Cheer up bro! Sayang yang Gwapogi mo kung iyakin ka" sabi ko sabay tapik ng kaniyang balikat.
Umangat na siya mula sa pag kakalean sakin at saka pinunasan ang kaniyang luha. "Ano ka ba, seryoso na ako eh"
"Tss, seryoso ka jan. Kaya ka nasasaktan kase masyado mong sineseryoso lahat ng bagay na inaaraw araw mo. Enjoy your life men! You know! Parteh parteh!" sumayaw ako ng running dance at saka itinaas ang kanang braso na parang may iwinawagayway.
Hindi ko alam kung makakatulong ba itong ginagawa ko. Basta ang alam ko lamang ay gusto kong makalimot sa magandang paraan.
Nakita ko ang ngiti niya at tumingin siya sa itaas upang pigilan ang luha na gusto ulit pumatak. "Oh sya, sige na. Tigilan mo na yan. Baka mamaya, ikaw naman ang madala ko sa mental hospital"
Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko. "You crazy girl"
"Aish! Ano ba! Dont make my hair messy!" Sigaw ko sa kaniya.
Ayaw ko sa lahat ay ginugulo ang buhok ko lalo na kapag naka bun ito.
"Ahh, ang arte mo ah" sabi niya at tila inaabot ang ulo ko at may balak na guluhin ang buhok ko.
"Nooooo!" Tumakbo ako palayo sa kaniya upang maiwasa siya at hindi niya magawa ang nais niya.
Hinabol naman niya ako at inaabot ako upang guluhin ang buhok ko.
Para kaming mga bata na nag lalaro ng habol-hanolan at taya-tayaan habang tumatawa.
Kahit saglit lang. Gusto ko muna malimutan ang sakit. Gusto ko muna malimutan ka. Kahit pansamantalang saya lang.
~~
I just found my self and Alexis in his room here in hospital. He is gently lying and taking rest after we played earlier at the rooftop.
Sinisipat ko ang kaniyang baby face na mukha. Kung titingnan ay mukhang 15 years old lang siya at hindi mo mahahalata na 19years old na siya even tho hindi ko alam ang age niya.
Tumingin ako sa Wrist watch ko at nakitang alas kwatro na ng umaga. I should go. Dahil alam kong kanina pa akong hinahanap sa bahay.
Sumulyap akong muli kay Alexis at saka tuluyang lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa cashier upang bayaran ang bills, at maswerte ako na may pera ako para sa mga ganitong hindi inaasahan na pangyayari.
Pagkatapos naman ay lumabas na ako ng hospital at tinawagan ang kuya ko upang sunduin ako.
"Hello, Kuya"
[Fvck. Alex Juliet! Ive been searching you anywhere! Youre not replying to my texts! And not answering my calls! What's wrong with you! Young dumb!]
Inilayo ko ng kaunti ang phone ko sa tenga upang hindi manakit ang tenga ko sa boses ng maligalig kong kuya.
"Ugh, im here at Uerm Hospital. Please come, faster"
[Ok i'll be there in five minutes.] And he ended up the call.
After a minute, i saw my brother's car going through here.
Huminto siya sa tapat ko at saka binuksan agad ang pintuan ng kaniyang kotse. "HOP IN. NOW."
Sabi niya na siya namang sinunod agad agaran. Nakaupo ako sa passenger seat at siya naman maayos na nagmamaneho.
"Tell me what happened. No need to ask what it is"
Napabuga ako ng hininga sa ere sa sinabi niya. "Its a long story bro. Kulang isang araw bago pa matapos ang storya ko. Just. Just let me take a rest. Im tired" sambit ko habang nakapatong ang braso ko sa window car at nakahawak sa aking sintindo.
Naramdaman ko ang kamay ni Kuya saking kaliwang kamay. "Ok, basta bukas sabihin mo kagad sakin ang nangyari. Hindi ako mapalagay kapag nakikita kang ganyan AJ"
Lumingon ako sa aking Kuya at ngumiti "I will tell you Kuya, thank you sayo"
Ilang minuto din bago pa kami nakauwi, at dumiretso kaagad ako sa aking kwarto. Kaagad akong naglinis ng katawan at nagbihis ng aking pag tulog.
Bago ako humiga ay nakinig kong tumunog ang aking cellphone na hudyat na may nag text.
From: KuyaKo<3
Hey, baby girl. Take a sleep now, Kuya loves you. Good night.
Napangiti ako nang mabasa ang message sa akin ni Kuya. Kahit papaano ay kilala niya ako, pag sa mga ganitong sitwasyon. Alam kong may hint na siya kung anong nangyari sakin at iniintay niya lamang na kumpirmahin ko iyon.
Inantok na din naman ako, tuluyan na akong nakatulog sa aking malambot na kama.
~~
Mahinahon kong kinakain ang aking almusal sa harap ng hapag kainan kasabay ang aking pamilya. Ganun din naman si Mama, si Papa, at si Kuya.
Tatlong oras lang ata ako nakatulog ng mahimbing sa malambot kong kama.
Alam na din ni Kuya ang nangyari sa akin kagabi. Ginising na niya ako pasado Alas sais ng umaga at tsaka nag aya na maghanda at mag luto ng aalmusalin namin.
Habang siya ay nagluluto, kinukwento ko sa kaniya ang bawat pangyayari kagabi na siyang dahilan ng saglit na pagkaguho ng aking mundo.
Hindi ko rin mapigilang umiyak habang nag kukwento kay Kuya, at siya namang pinipispis tong aking likod at niyayapos ako upang patahanin ako.
Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang galit niya kay Louise, ngunit eto akong nagsabi kay Kuya na, huwag sasaktan si Louise.. Kahit na anong mangyari. Nangako naman siya tungkol doon.
"Sige kung saan ka maligaya," sabi niya.
Yakap na lamang ang naisukli ko kay Kuya nung sinabi niya yaon.
"Aj, just remember.. Masakit man o hindi. Malalim man o mababaw, huwag mong hahayaan na mabalot ka ng galit at poot, hindi mo kailangan na magalit at madamay ang ibang taong nakapaligid sayo. Kailangan mo lamang ilabas ang sakit. At hindi ang galit."
"Siguro ay hindi si Louise ang lalaking nararapat para sayo. Maraming lalaking pwede pang magkandarapa sayo. Hindi lang siya. Diba nga, kapatid kita. Dyosa ka e." pagkatapos niyang sabihin un ay ginulo niya ang buhok ko at saka pinag patuloy ang pag luluto.
Lumapit ako sa kaniya at saka niyakap siya mula sa likod.
"I love you Kuya," i said.
"I love you too Baby girl,"
**
A/N: Eyow! May nagbabasa pa ba? 😂 Sa lahat ng mga nag babasa neto. Salamat sa inyo! Keep voting! And keep reading! Lablab 💕
Kinilig ba kayo? Kinilig kayo sa mag kuya? Hehehe. 😂
BINABASA MO ANG
Alex and Alexis
JugendliteraturAlex Juliet M. Benitez - Mayroong perpektong buhay. Mayaman, mabait, matalino, madaming kaibigan at lahat ng gusto niya ay pwede niyang makuha. Pamilya nila ang may ari ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Isa bagay lang ang ipinagkait sa ka...