Chapter 4: Hidden Ability

22 5 0
                                    

Maxine's POV

Asan ba ako? Tanong ko sa sarili ko habang inaalala ang nangyari kanina. Habang inaalala ko lahat ay may isang babae na sa palagay ko ah nusre. Dahil naka puti siyang damit na pang nurse. Nurse? So nasa clinic pala ako kung ganun.

"Tama ka, nasa clinic ka nga. Hinimatay ka daw sabi ni Lord James. Nakita ka niya sa garden na nakahiga. At siya ang nagdala sa iyo rito." Sabi niya na nababasa ang nasa isip ko. Hay mga bampira talaga.

"Ahm maraming salamat po Nurse?" Sabi ko ng patanong dahil sa hindi ko alam ang pangalan niya.

"Cha ija. Ang pangalan ko ay Chandria. Pero Cha will do."

"Ah okay po. Maraming salamat po ulit Nurse Cha. Puwede na po ba akong pumasok?"

"Ah oo, puwede na. Pero ano nga palang lahi mo?"

"Huh?" Naguguluhang balik tanong ko sa kanya. Ang weird kasi eh.

"Sabi ko anong lahi mo? Kung bampira ba o mangkukulam?" Sabi niya na natatawa dahil sa pagkalito ko

"Ahhh mangkukulam po. Kalahating mangkukulam kalahating tao po. Bakit niyo po natanong?" Tinignan niya ako ng may pagtataka. At biglang isinara ang mga bintana at ang pinto na maaring para sa taong naaaring makakita. May ginagawa siyang ritual doon ako sigurado.

"la magie des frontières entre l'ouïe et la réalité" pag babangit niya ng tatlong beses at pabilis ng pabilis. Hanggang sa may pumalibot sa amin na mahika.

"Nurse Cha para saan po ito? Bakit kailangan pa po ng mahika?" Tanong ko dahil nakakapagtaka nankailangan pang gumamit ng mahika gayung maguusap lang kami tungkol sa lahi ko.

"Dahil iba ka! Ikaw ay hindi kalahating tao at kalahating mangkukulam. May iba saiyo na hindi ko matukoy. At kaya ko ito ginawa ay para may harang kung sakaling may makarinig. Dahil hindi ko ramdam ang kahit anong prsensya at enerhiya na dapat nararamdaman ng kahit sinong bampira. Pero hindi eh. Wala akong maramdaman kahit isang kapangyarihan. Sabihin mo paano mo naitattago yun? Paano?" Tanong niya sa akin na kulang nalang ay mag humetardo na.

"Hindi ko po alam Nurse Cha. Wala po akong ideya. Nandito lang po ako sa eskuwelahannna ito dahil sa mga Anderson. Dahil ako ay ibimemta ng sarili kong pamilya. Kaya wala akong alam jan. Pero isang tanong ang gusto kong masagot. Bakit kahit kailan hindi nabangit sa akin ng mga magulang ko ang tungkol sa pagiging mangkukulam ko? Kaya hindi ko din alam ang sagot jan. Maauna na po ako at may clase pa ho ako." Sabi ko

"Eto lang ang masasabi ko ija. Aalamin ko kung ano ang hidden ability mo at hindi mo ako mapipigilan doon."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Happy Halloween po, hehehe

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon