A/N : guys.. part 3 naman hehe.. mahaba talaga kasi tong mga nangyari sa foundation ball eh..
please continue reading ha.. :)
_____________________________________________________________________________
Keith's POV
Deniesse !
Deniesse nasan ka na ba ha ?
bakit di ka na bumalik ?
nakita ko sina Yuan kaya tinanong ko kung nasan siya.
pero di rin nila alam.
san ka ba nagpunta ha ?
nilibot ko na ang buong gym pero wala siya .
kaya naisipan kong lumabas at dun siya hanapin.
tinanung ko rin yung gwardiya at sabi niya may lumabas nga daw na babae at buhat buhat ng isang lalaki.
sino naman kaya yun?
lumabas na ko tuluyan ng school at hinanap ko siya.
sino kaya ang lalaking yun.
patuloy ako sa paglalakad nang ..
" Sean ! tulungan mo ko !! "
si Deniesse ?
dali dali akong lumapit sa kanya at hinampas ko yung aso na sana'y kakagat sa kanya
" are you okay ?"
" okay lang ako.. salamat Sean.."
akala niya ako si Sean.
nakapikit pa kasi siya eh.
mukhang natakot talaga siya.
at pagmulat niya..
" ha ? Keith ? ikaw ?"
" oo ako nga. ano bang ginagawa mo dito ha ? bakit ka biglang umalis ? di ka man lang nagpaalam sakin.. alam mo bang pinag-alala mo ko ?"
bago pa siya makasagot biglang dumating si Sean.
kung ganun.. siya pala ang kasama ni Deniesse.
" Keith? anong ginagawa mo dito ?" - ced
hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero...
*pak !*
sinuntok ko siya ! hinawakan ko siya sa kwelyo at..
" hoy Ced ! ano bang nasa isip mo ha ?? bakit mo dinala si Deniesse dito ?? pano na lang kung hindi ko dumating ha ?? eh di sana nakagat na sya ng aso ??? napakairesponsable mo !!!"
" keith tama na !" - deniesse
" aso ? anong sinasabi mo ha?" - ced
" tingnan mo ! ni hindi mo alam na muntik na siyang makagat nag aso kasi basta mo na lang siyang iniiwan ! " tapos binitiwan ko na siya
hinawakan ko sa kamay si Deniesse pero..
" sandali Keith ! nasprain kasi ang paa ko kay di ako makakalakad."- deniesse
" nasprain ??" - ako
kung ganun kaya pala di siya nakatakbo kanina at kaya buhat buhat siya ni Ced kanina?
" oo... kaya wag mo nang sisihin si Sean.. ang totoo niyan..ako talaga ang nagpumilit na iuwi na niya ako sa bahay ..kaya.." - deniesse
BINABASA MO ANG
My Paper Boat
Novela JuvenilDeniesse was once a princess, but unfortunately, a traumatic incident in her life turned her into a brave and strong girl. What if dumating ang isang lalaking magpapalambot at gigising sa kanyang puso? Will she let herself drown in this man's ocean...