Prologue
Sandra's P.O.V.
"Can someone tell me when would a merchandiser earn an operating income of exactly zero?"
*Yawn~~~ BORING.
"Yes, Ms. Villegas."
"Sir, when the gross margin equals the operating expenses.'
"Very good, Ms. Villegas."
Nag-mamagaling na naman po siya.
"When the seller advances the transportation costs and terms of sales are FOB shipping poin, the seller records the payment of the transportation costs by debiting...what?" Tsk. Easy.
"Accounts receivable." I casually said while still seating.
"Y-yes you're right Ms. Park."
"Hindi ka pa ba tapos, naiinip na ako eh. Gusto ko nang umuwi. Tutal naman 10 mins. na lang, time na."
"Sandra show some respect naman." Bulong niya sa akin. "Sir Gomez sorry po dun sa nasabi ni Sandra, hindi niya po iyon sinasadya."
"It's okay Ms. Ville-." Di ko na siya pinatapos mag-salita. Wala naman sense yung sasabihin niya.
"Pwede ba Andrea, wag kang epal." Sabi ko sa kanya. Nagpapahanga na naman kasi.
"Sandra please, huminahon ka naman." Di ko na lang siya pinansin, tiningnan ko na lamg yung relo ko.
"O, 5 mins. na lang pala ang natitira. Pwede mo na naman siguro kami palabasin." Di ko na hinintay ang approval niya, tumayo na ako at kinuha ang gamit ko at lumabas.
Naglalakad na ko sa corridor nang biglang sumulpot kung saan itong epal na ito.
"Sandra, hindi mo dapat ginawa yun kay Sir."
Hay. Ang drama.
"Pake mo ba, huh."
"Grabe kawawa naman si Andrea, inaaway na naman siya ni Sandra."
"Kaya nga, insecure lang siguro siya kay Andrea."
Huh. Ako insecure at dito pa sa plastic na ito. Kaya hinarap ko agad yung dalawang chsimosang epal. At swerte ko naman may hawak silang cheap na juice, kaya ibinuhos ko yun parehas sa pagmumukha nila.
"OMG!!!" Sabay nilang sigaw.
"Sandra, bakit mo ginawa yun?" Nginitian ko na lang si Bb. Plastic. At umalis na.
Narinig ko pang humihingi siya ng sorry dun sa dalawang epal.
Well, ako nga pala si Sandra Chrissette Park. 16. 1st year Business Ad. student. Mayaman. Maganda. Matalino. At hindi plastic. Hindi kagaya nung isa jan.
Lahat sila kaya niyang utuin. Maliban sa akin, kilalang kilala ko yang babaeng yan. Mas anghel pa nga ako diyan eh.Pero wag na nating pag-usapan ang walang kwentang babaeng yan at ang mga walang kwentang supporters niya.
Basta ako magandang maganda.