Sandra's P.O.V.
"Talagang nakakaya mo pang tumayo ha. Talo ka na, kaya ibigay mo na sa amin iyong flash drive."
Iyan ang una kong narinig matapos kong imulat ang aking mga mata, wala na ako doon sa lugar na parang kawalan.
"What did you say? Ako talo niyo, hahaha you must be out of your mind."
"At talagang may gana ka pang tumawa, mga bata sabay sabay niyo nang atakihin iyan."
Dahil na rin siguro sa curiosity ko, hinanap ko kung saan nanggagaling iyong mga ingay na iyon. Naglakad-lakad lang ako ng konti, at di nagtagal nakita ko na ang isang grupo ng mga kalalakihan na pinagtutulungan iyong isang lalaki. At grabe lang hindi ko ma-carry yung nakikita ko, ang dami kong nakikitang blood, hindi ako iyong tipo mg babae na nag-eenjoy manood ng mga gang fights.
Aalis na sana ako ng mahagip ng aking mata iyong isang lalaki na tinutukan ng baril iyong nag iisang lalaki, nakatalikod iyong lalaki kaya hindi niya naramdaman iyong masamang binabalak nung lalaking mukhang adik.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang akong sumigaw para sabihin dun sa lalaki iyong gagawin nung mukhang adik. Unfortunately, parang hindi niya yata ako narinig kasi busy siya sa pakikipagsuntukan. Kaya agad na lang akong dumampot nang kahit na anong pwedeng ibato dun kay kuya adik. Sakto namang nakakuha ako ng bato at agad ko itong hinagis sa kanya, kaya nung ipuputok na niya iyong baril sa iba tumama iyong bala. Agad namang napalingon si kuya alone.
"Tsk. Dadayain mo na nga lang ako sala pa. Duling ka ba?"
"Huh? Sinong nagbato sa akin?" Galit na galit na sigaw ni kuya adik.
Dahil doon unti-unti akong mapaatras, lagot na, bakit ba naman kasi umepal pa ako. Hanggang sa napatingin siya sa direksyon ko, pero agad din siyang lumingon sa iba. Huh, hindi niya ba ako napansin o duling lang talaga siya.
"Boss, wala namang ibang tao dito bukod sa atin ah."
Hindi ba nila ako nakikita?
"Sinasabi mo bang nag-sisinungaling ako."
"Boss, hindi naman sa ganun pero-."
"I think she's the one who throw that rock to you." Yes! Sa wakas may nakapansin na sa ganda ko. Ay mali, NOOOO!!! pala dapat, siguradong hindi na ako makakaalis ng buhay dito. At saka bakit niya ako tinuro, hindi ba niya alam nang dahil sa akin kaya humihinga pa siya. Tsk. Walang utang na loob.
"Hoy! Wag ka ngang umepal, saka anong babae, wala naman ah." Eh??? Hindi pa rin niya ako nakikita. Tumingin din iyong iba sa direksyon ko pero lampasan iyong tingin nila sa akin, parang hindi nga nila ako nakikita.
"So your telling me that I'm just hallucinating. Cut that crap man! Ayun oh, she's wearing a very revealing cheap black dress." WHAT??? Did he just insulted my OOTD. What an annoying man!
"Hoy, kung dumidiskarte ka lang para makatakas sa amin, ang cheap ng tactic mo! Sige para matapos na itong walang kwentang usapan na ito, papatayin na kita."
At dahil ayokong makakita ng taong pinapatay, tumalikod na ako at handa ng umalis. Like duh, asa pa siyang tutulungan ko siya, matapos niya akong lait-laitin.
"Hoy! Sandra, san ka pupunta?"
Huh? Sino iyon? Lumingon ako doon sa likod ko at ang nakita ko lang ay iyong mga lalaking iyon na hanggang ngayon ay nag-tatalo pa rin tungkol sa akin.
Hahakbang na sana uli ako nang may tumawag ulit sa pangalan ko. Lumingon ulit ako sa paligid pero hindi ko talaga makita kung sino iyon.
"Hayyy.... Sandra nakalimutan mo na ba ako at saka iyong napag-usapan natin?"