C2

63 4 0
                                    

Sandra's P.O.V.

Woah. Saya talaga mag-party dito sa bar pagkatapos ng walang kwentang buhay sa university namin. Tutal Friday ngayon, ok lang na mag pakalasing.

Nung nagsawa na ako uminom pumunta naman ako dun sa dance floor. Nang maya-maya lang ay may nakita akong dalawang walang kwentang tao. Mukhang kararating lang nila. Naisipan kong lapitan sila.

"Hey Andrea, is that you? I didn't expect na pumupunta ka din pala sa ganitong lugar." Sabi ko sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Sa-sandra-." Di ko na siya pinatapos at tumingin naman ako dun sa katabi niya.

"You look familiar, have we met already?"

"S-sandra, ako ito si Jake."

"What? Jerk ba sabi mo, sorry huh, di ko masyado marinig, masyado kasing maingay dito sa bar."

"Sandra naman-" Second attempt na pag-epal ni Andrea.

"Guys gusto niyong sumama sa akin sa dance floor. Tara, let's party!"

"Sandra lasing ka na ata." Sabi ni Jerk sa akin.

"Kaya nga, mabuti pa siguro kung iha-" 3rd attempt na pag-epal na niya.

"Malakas ang alcohol tolerance ko, guys!"

"Pero-" 4th attempt na niya.

"Wag nga kayong kj."

"Ihahatid ko na muna siya Andrea."

"NO!!!" Oops. Napasigaw na siya. "I-im sorry Jake di ko sinasadya.Ako na lang ang maghahatid sa kanya. Baka hinahanap ka ng mga kabarkada mo. Babalik na lang ako dito, pagkahatid ko sa kanya"

"Sige Andrea-"

Umalis na lang ako kaagad sa harap nila.Nakakasuka sila. Naisipan ko na rin umuwi. Medyo nahihilo na rin ako at nawalan na ako ng gana dahil sa kanila.

Nung nasa parking lot na ako may narinig akong nakakairitang boses.

"Wait lang Sandra!" Di ko na lang siya pinansin.

Pero hinawakan niya ko sa kamay, kaya napalingon ako sa kanya.

"Yuck. Bitiwan mo nga ako. Mahawa pa ako sa kapangitan mo."

"Ihahatid pa kita ah."

"Tsk. Wag ka ngang plastic."

"Sandra naman, magkaibigan tayo diba."

"WHAT??? Adik ka ba?"

"Pwede pa rin naman tayong maging mag best friends despite sa mga nangyari sa atin dati diba." Kapal talaga. Dahik sa pikon ko sa kanya, nasampal ko siya.

"O ayan kaibiganin mo yang kamay ko."

Nakatungo lang siya. Nasaktan ata. Maya-maya lang ay tumingin na siya sa akin. And wearing her disgusting evil smile.

Luminga linga muna siya sa paligid. Alam na, tsine-check niya kung may ibang tao.

"Tayo lang ang tao dito ngayon, kaya wag ka ng mahiya."

"Sandra, alam ko naman na hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap yung pagkatalo mo sa akin. Tigil-tigilan mo na yang pagka-bitter mo."

"Ako, bitter? Asa!"

"Eh, bakit lagi ang init init ng ulo mo sa akin. Aminin mo na kasi."

"Wala akong aaminin sa iyo. Tabi nga diyan." Nakaharang kasi sa pintuan ng kotse ko.

"Ayaw mo talaga magpahatid sige bye. Ingat!" Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan nang may nakita akong bote ng C2 kaya binato ko iyo sa mukha niya at nag-drive na paalis. Pero bago ako tuluyang makaalis, narinig ko pa siyang sumigaw ng "BITCH!!!" HAHAHA may makarinig sana sa kanya na kakilala niya, para masaya.

Habang nag ddrive ako nakaramdam na naman ako ng pagkaliyo. Kaya I've decided na dumaan muna sa 7/11 para bumili ng kape saka konting pagkain. Hindi pa rin kasi ako nakakapag grocery. Nakakatamad eh.

Tapos na akong bumili saka tapos ko na rin inumin yung kape ko, kaya nag-drive na ulit ako. Hindi na ako nag-seatbelt, malapit na kasi ako sa condo unit ko. Pinaharurot ko na rin yung sasakyan ko, tutal naman walang masyadong sasakyan.Nang may biglang sumulpot na aso mula kung saan, mabuti na lang nakapag-preno kaagad ako, muntik pa ako makapatay ng askal.Mag-ddrive na sana ulit ako nang may narinig akong malakas na busina.

*Beeeepp

May papalapit na liwanag sa direksyon ko. Huli na nang marealize kong mababangga na ako ng truck.

*Booogsshh

Maya-maya lang ay dumilim naman.

Bad AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon