Sandra's P.O.V.
Sandra, gumising ka. Sandra....
May narinig akong tumatawag sa akin, kaya agad akong nag-mulat ng mata. At ang tumambad sa akin ay puro puti lang, wala akong ibang makita.
Mabuti naman at nagising ka na.
"Huh? Asan ka saka nasaan ako?"
Hindi mo na ako kaylangang makilala saka walang tawag sa lugar na ito.
"What??!!!? Ano bang nagyayari?"
Sandra... ikaw ay malapit ng mamatay. Nakalimutan mo na ba na naaksidente ka?
"Malapit ng mamatay? Adik ka? Would you please explain to me what the hell is going on?"
Sige kung yan ang gusto mo. Isa ka lang ngayong kaluluwa. Ang katawan mo ay nasa ospital pa. Tanging mga iba't ibang klaseng modernong aparato lang ang nakakabit sa iyo kaya patuloy na nabubuhay ang katawan mo. Pero oras na tanggalin iyon mamamatay ka na talaga ng tuluyan.
"Niloloko mo ba ako?"
Bahala ka, may dahilan ba ako para magsinungaling sa iyo.
"Oo, kasi adik ka."
Siyanga pala, isang buwan ka ng nasa ospital. Mukhang malapit na rin mawalan ng pag-asa ang papa mo. Baka ipatanggal na niya ung mga aparatp na iyon.
"No he wouldn't do that."
Talaga?
"Ano ba? Kung totoo man yang mga pinagsasabi mo, edi ibalik mo na ako sa katwan ko para matapos na ito!"
At bakit ko naman gagawin iyon.
"Kasi sinabi ko!"
....
"O ano na?"
....
"Hoy! Sumagot ka nga!"
....
Sige na nga pagbibigyan kita. Pero bago yun gawin mo muna itong ipapagawa ko sa iyo.
"Hindi pa pwedeng ibalik mo na lang ako dun, ngayon na. Diba sabi mo konti na lang ang ras na natitira at mawawalan na ng pag-asa si Dad."
Para may thrill.
"What???!!!! Baliw ka talaga!"
Ayaw mo ata eh.
"Fine! Ano ba gagawin ko?"
Diba sinabi mo dati nung nasa lupa ka pa na mas anghel ka pa dun.. sino nga ba yun...wait iisipin ko lang.... ayun! Si Andrea!
"Totoo naman eh!"
Kung ganun patunayan mo yun. Pababalikin kita sa lupa bilang isang... sige pwede na nating sabihin na parang angel ka. Magkakaroon ka ng isang misyon sa isang taga-lupa. Tutulungan mo siyang makamit ang kaligayahan niya at the same time babantayan mo rin siya. Sige tama na muna itong usap na ito. Masyado ng napapahaba.
"Wait sino yung taong iyon saka ... Ahhhhh!!!!"
At dumilim na naman.