Chapter 4

24 2 3
                                    


Taehyung's POV


Andito ako ngayon sa taas ng puno.

Ayoko kaseng mag pagala gala saloob ng campus kasama ng tropa naririndi lang kase ako sa mga tumatawag samin.

Sanay na naman ako, pero minsan gusto ko talaga ng katahimikan.

----

"Chian!" Lumingon sya sa pagtawag ko tapos ngumiti sakin. Nag tatakbo syang papalapit sakin.

Ang ganda nya talaga lalo na sa suot nya.

Birthday nya kase ngayon.Pang 9years old.

"Oy kanina pa kita inaantay!" Sabi nya sakin, saka ko inabot ang regalo ko sakanya.

"Happy Birthday." Bati ko.

"Salamat." Sagot nya.

"Regalo ko sayo parehas tayo." Pinakita ko yong akin.

Isang bracelet na kulay brown ang niregalo ko sakanya, parehas kami. Pinasadya ko talaga yon kay mama para may pangalan naming dalawa.

"Ayan may pangalan ko na yan ha, Para pag may nag kagusto sayo ipakita mo lang yan sa kanila sabihin mo akin kana. Ganon din ako" Sabi ko.

"Hala." Yan lang ang nasabi nya.

"Ang babata nyo pa. Hahaha" Sabi ng mama nya. "Hayaan mo sayo ko ipapakasal ang anak ko."

"Talaga po tita?" Tanong ko, nagulat kase ako sa sinabi nya.

"Oo pag nasa tamang edad na kayo." sagot ulit ng mama nya habang naka ngiti.

"O Chian narinig mo yon ha! Ipapakasal kana sakin ni tita pag laki natin kaya wag kanang mag papaligaw sa iba." Sabi ko tapos niyakap ko sya kase ang saya ko.

"Oo tatandaan ko yan. Promise."

-----

Napadilat ako sa napanaginipan ko, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.

Buti nalang hindi ako nahulog.

Haaaaaaaaaaaaay. Napanaginipan ko na naman sya.

Pati yong huling nangyari sa nakaraan ko na kasama ko sya.

Gusto ko na ulit syang makita.Namimiss ko na sya.

---

Jei's POV

May klase na kami ngayon.

PHYSICS.

Wala akong katabi.Bakit kaya?

Wala sya ngayon?

Natapos ang klase namin sa Physics na wala akong ibang inisip kung hindi sya.

Kung bakit wala sya.

"Jei halika na sa next class natin." Yaya sakin ni Vanessa.

Nag add na kase sila ng mga subject nila kaya simula ngayon Classmate ko na sila sa lahat ng subject.

Sinabihan ko nadin si Julia para hindi na kami nag hihiwalay. Pero bukas pa sya mag aadd.

Ngayon lang ako nag karon ng maaming kasama sa room.

Ngayon lang ako nag karon ng tropa.

"Be parang lutang ka ata?" Sabi ni Zharm.

"Ha ako?" Ako ba yong sinasabihan ni Zharm.

Stolen HeartsWhere stories live. Discover now