nag-paalam na ko sa aking mga magulang at binigyan ako ng 5000 pesos.Sumakay ako ng bus papuntang Dumaguete City para doon maghanap ng paraan upang magtrabaho. hindi ko kailangan na ang may eroplanong hihinto sa gitna ng daan para ihatid ako sa Dumaguete. Kaso lang may problema. Sa Amlan ay inaayos ang daan dahil malapit na ang eleksyon. Kaya nung dumaan na kami sa Amlan. Parang napa ''Harlem shake'' kami sa kalubak-lubak ng daan na sinira ng gobyerno. Ilang ulit ako nauntog sa upuan na nasa harap ko lamang habang ang katabi ko ay nasusuka na dahil sa paggalaw ng bus. eh yun tuloy, na dumihan ang kaisa-isa kong polo dahil sa katabi ko.
Sa San Jose naman ay nagka-enkwentro ang mga pulis at sibilyan dahil sa pagtaas ng gasolina. Kaya nagbasagan ng mga bote nang softdrinks .eh kamalas naman . na-flat ang gulong ng bus sa gitnang kaguluhan.
Ilang oras rin akong naghintay ng masasakyan nang may dumaan na van for hire na wala namang laman. Nagdagsaan kaming 30 na kasama ko sa bus. at nagsiksikan kami sa isang maliit na v-hire. Pero hindi namin alam na may manyayari pa. Ang bilis magpatakbo ng driver ng v-hire na kung haharurot ang 100 kph at kung liliko ay 120 kph. Parang rollercoaster ang aming nasakyan. At hindi pa nakuntento. Umovertake pa sa tatlong magkakasunod ng 10-wheeler truck na punong puno ng tubo na ipapadala sa Dipolog.

BINABASA MO ANG
Ang mangtutubong bigtime
HumorTuklasin ang misteryo ng isang mangtutubo kung paano siya naging bigtime sa pagyaman at sa pag-ibig