Nang nakarating na ako sa Dumaguete ay kumain ako sa isang fastfood na malapit sa cathedal. Pero bago ako pumasok ay mag-shake hands pa ako sa isang taong nakapula, malaki ang mata at may pakpak. Pero hindi ko alam kung sino siya at bakit wala siyang sinabi. Tumawa ang guard ng fastfood at sinabing estatua lang yan. At pagpasok ko sa fastfood ay nag order ako ng yum na cheeseburger raw at go-large na sprite. pero akala ko na lalaki ako kung iinumin ko ang go-large na sprite. Nang dumating na ang order ko ay nagtaka ako bakit mayroon pula ang burger, lalasunin ba ako. at ang sprite na go-large ay parang tubig pero iba ng lasa. eh ang mahal pa ng bayad. kaya nag-reklamo ako. eh hindi ko pa kasi natitikman. kaya nun natikman ko ito ay parang naging artista ako. parang ako lang ang unang nakatikim ng burger na ito. pero nang tumingin ako s iba . mayroon rin pala silang yum.
Nagtanong ako sa crew ng fastfood kung saan ako pwedeng mag-stay nang magarbo at isinabi niyang sa ''hotel escencia'' sa may national highway ako magstay. kaya pumara ako ng tricycle at nagpahatid. kakaiba talaga ang tricycle sa Dumaguete. nang nakarating na ako sa hotel escencia. ay papasok na sana ako eh bumukas na ang pintuan. kaya natakot ako. baka patibong ito na hindi na ako makakalabas ng buhay. kaya nagpatulong ako sa isang takatak boy malapit sa Du Ek Sam at sinabi niyang '' automatic yan. huwag kang matakot.'' kaya pumasok ako. aba ang libre naman ang stay... libre pa ang cable, kuryente , at tubig at may 500 pesos pa buwan-buwan. Pero ay isa lang palang bangketang walang dumadaan at imbakan lamang ng sirang gamit ng hotel escencia. ako ang tagabantay ng mga sirang gamit para ibenta sa junk shop. ''yun oh''. ako ng Juan Dela Cruz ng bangketang ito. Doon ay masaya akong nagpahinga at nag isip nang pwedeng maaplayang trabaho.
BINABASA MO ANG
Ang mangtutubong bigtime
HumorTuklasin ang misteryo ng isang mangtutubo kung paano siya naging bigtime sa pagyaman at sa pag-ibig