'' Miss, miss tulong. yung isa ninyong kasamahan hindi na gumagalaw. ''na praning naman yung cashier at nagpatawag ng security, ambulansya, managers, doktor, supervisors at ang may-ari na may hindi gumagalaw na empleyado ng lei zupper flaza.
Dumating ang mga awtordad at tinanong kung saan ang biktima. Ako naman ay galak na ituro dahil baka may gatimpala akong matatangap. ''Yes, Baka iinterviewin ako nang media dahil sa kabayanihan ko. Makikita narin ako sa TV.''. Nang anu-anoy lumapit ang pulis sa akin. Inaasam ko ang kanyang pasasalamat. Ngunit kabaligtaran ang sinabi niya. '' Nagbibiro kaba? Eh manikin lang iyang tinuro mo eh. Alam mo ba dahil sayo , nagkagulo ang buong mall. Nabuhusan ko pa ng kape si chief nung malaman ang kaguluhan dito. siguradong timbog ako. Kaya huhulihin nalang kita sa ginawa mong 'false-alarm'.'' ang sabi ng pulis. Kusa naman akong sumama sa kanya dahil wala naman akong naintindihan sa kanyang sinabi. Laking gulat ko naman nang sinundo kami ng police mobile. '' Wow, pulis ang maghahatid sa akin. Sikat na talaga ako dahil sa ginawa kong pagligtas sa empleyadong iyun. pero
hindi nagpasalamat sa aking ginawang kabayanihan ko''.
BINABASA MO ANG
Ang mangtutubong bigtime
HumorTuklasin ang misteryo ng isang mangtutubo kung paano siya naging bigtime sa pagyaman at sa pag-ibig