Chapter 6- special treatment

1 0 0
                                    

Nang nakarating na kami sa presinto. Dinala agad ako sa interrogation room. Kinunan ng litrato at nag jumpshot pa. Nag-tanong ang interrogator.

''Anong pangalan mo?'' sabi nang pulis. Hindi ko naintindihan at sinabo kong '' english please''. Hindi naman ako marunong mag-ingles eh mas lalo na ang interrogator. kaya nasabi niya "Hu u?". Hindi ko naman naintindihan kaya ang sinagot ko ay '' I'm bente taong gulang''. Natawa ang pulis at hiningan nang ID. Walang maipakita ako kaya sabi ko '' Boss, mamaya na ang ID. Eh marami pa akong fans na naghihintay sa akin sa labas.''.

Doon ay mas natawa ang pulis at itinanung sa aking kung... '' Do yu teke drags? ''. Hindi ko naman naintindihan kaya sabi ko ... '' Yes!!! Of course. Basta nakakain. I teke drags.''.

Dineretso ako sa detention cell na aircon at may security pang 24\7 na palaging alerto. Ilang oras ang nakalipas ay naramdaman kong naiihi na ako. Kaya sinabihan ko ang PSG ko na. ''Oh.. mga escorts ko.. naiihi na ako. pa-jingle naman diyan sa tabi oh.''. Tumawa nang malakas ang mga pulis at sabi nila ''Oy, ang lakas nang tama mo anu.. escort pa ang tawag ninyo sa amin. Oh manghingi ka nang permiso doon sa crime lab.''.

Kaya binuksan nila ang selda at sinundan nila ako sa opisina sa crime lab. pumayag ang inspector na umihi sa bote sa harapan ng pulis. Kaya ginawa ko ito. nabigla ako na kinuha yung bote na pinagihian ko at sabay sinabi '' Oh balik ka dito after 2 days''. Kaya ibinalik na ako sa selda.

Ang mangtutubong bigtimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon