Sampung dahilan kung bakit kita gusto
Written by: John Paolo EspirituUna, nakakahawa ka,
Nakakahawa ang dala mong saya
Ngiti mong grabe kung puminta sa labi mong mapupula
Lungkot na nadarama'y nawawala kapag ikaw na ang kasamaPangalawa, ma- alaga,
Ma- alaga katulad ng aking ina
Na para bang ikaw at siya ay iisa,
Ikaw ang hanap nitong puso dahil,Pangatlo, mabait ka,
Kahit kanino'y bait ang iyong dala,
Kaya ako'y nangangamba baka sa kanila'y mabastos kaKaya pang- apat, palaban ka,
Sa oras na na- agribiyado, mukha mong maganda hindi papatalo,
Mga malalambot na kamay ay nagiging matigas na kamao kapag nasobrahan na sila,Pang- lima, ang taglay mong talento na lagi mong ipinapakita,
Bawat kumpas ng beywang kasabay ng musikang kahali- halina,
Indak ng mga paa sa tugtuging masaya,Pang- anim, naaalala mo pa ba?
Sa gitna ng klase ay nagmukha akong asong hindi mapakali,
Hindi ko kasi alam ang isasagot sa tanong na "What is love?"
Lumapit ka sakin, nakita ko ang ngiting gumuguhit sa'yong labi
At doon nakita ko ang tunay na kahulugan ng pagibig,
Sayo, sayo ko natutunan kung ano ba ang kahulugan ng tunay na pagibig
Hindi ka lang talentado, isa karin sa mga kabataang nagtatagisan ng talino,Huwag kang papatinag sa sinasabi ng iba dahil pang- pito, malakas ka,
Isa sa kung bakit kahanga- hanga ka dahil malakas ka,Mawawala ba ang taglay mong pangwalo? Oo sobrang ganda,
At itoy kahali- halina, mula sa mata hanggang sa baba mong parang mangga,
Hindi kita nilalait dahil minamahal kita,
Hindi kita minahal dahil lang sa taglay mong panlabas na ganda,
Minamahal ko angPangsiyam, ang kalooban mong nakikipaglaro ng taguan sa mga taong nakakasama,
Magtatago at lalabas para hanapin ang mga taong nasa dulo ng malungkot na karagatan,
Hindi mag- aalinlangan na sa kanila'y mamasyal,
Susuungin ang makipot nilang mga buhay,
At sa loob ay magbabahagi ka ng pang- sampu— ang salita ng Diyos,
Hindi mo nakakalimutan na mayroong Diyoa na sa atin ay nagmamahalKaya ikaw huwag kang magbago dahil lubos kitang minamahal.

YOU ARE READING
Words By Pawie
PoetryHindi ko man masabi ng harapan, kahit sa simpleng pagsulat lang ay maiibsan ang pighating aking nararamdaman- JPaolo [ Plagiarism is not allowed ]