Move- on Kahit Walang Tayo
Written by: jooPao
Dedicate to my crush na pakboyHindi ko talaga alam kung pano? Kung pa'no ko sisimulan ang kwento nitong pusong binasag mo.
Oo, malandi ako, pero slight lang! Malandi ako sa paraan na akoy mapapansin mo.
Malandi ako sa paraang maitago ang laman ng puso ko.Hindi ko talaga alam kung ano ba ang meron sayo? Kung bakit kita gusto. Siguro nga pagmamahal na ito, pero hindi ko lang binibigyang pansin kasi natatakot ako,
Natatakot ako na baka mabalewala ang feelings ko, na mabalewala ako sayo.Siguro nga'y totoo na to', siguro pagmamahal na talaga to' kasi ang pagmamahal diba ay hindi matutumbasan ng kahit ilang mga salita? Hindi ito matutumbasan ng kahit ilang mga tula? Dahil ang pagmamahal ay naipapakita sa gawa.
Oo, nasasaktan ako! Nasasaktan ako dahil binasag mo'to. Hindi mo'ko sinaktan physically pero dito sa puso ko, sobrang sakit, nasasaktan ako kasi nakikita kita na may kasama kang iba, at kayo'y masaya. Samantalang ako, eto, still dreaming na sana maging akin ka.
Kasalanan ko rin naman to e' kasi ako yung bumigay, ako yung nagmahal, nagmamahal sa taong hindi naman kayang suklian ang nararamdaman ko.
It's really true that my heart is meant to be broken? Eto lang ba ang purpose ko sa mundo- ang masaktan?
Ganito nga siguro kapag palihim kang nagmamahal, palihim karing nasasaktan. Sa bawat ngiting kanilang napagsasaluhan ay palihim kang nasasaktan. Sa bawat malalakas na tawanan ay isang libong patalim ang handang lumusot sa iyong katawan, diretso sa iyong puso at tatagos sayong mga buto.
Pero sa lahat ng masasakit na naramdaman ay pipilitin ko, pipilitin ko na kayanin ang lahat kahit nasasaktan ako. Pipilitin kong mabuhay sa araw- araw para lang sa sarili ko at hindi na sayo.
Kahit abutin man ng limang araw, tatlong linggo, dalawang buwan o tatlong taon, pipilitin ko- pipilitin kong mag- move on kahit walang tayo. At pagkatapos, masasabi ko sa sarili ko na handa na muli akong magmahal, sana sa susunod ay yung kaya na akong masuklian.
YOU ARE READING
Words By Pawie
PoetryHindi ko man masabi ng harapan, kahit sa simpleng pagsulat lang ay maiibsan ang pighating aking nararamdaman- JPaolo [ Plagiarism is not allowed ]