-----
Beauty's POV
Haist! ito nanaman, umaga nanaman.. ay teka! Yaaaaaaaayy! it's Monday! for sure nasa bahay nila si cruuuush!
"Aaaatee Maaaaayyyraaa!!!!!!!!"
"Aaatee Maaayyyrooooo haaaaa woooahh ooohh!!"
"maaaanaaang mayrooww haaaaa woooaaaah oooh" Sigaw ko ng may tono pa na parang bumibiret-biret
"ooy! mam! mam! asan ang kaaway? asan na?" parang tangang sigaw nya habang nagmamadali pumasok sa kwarto ko. Aba! at may dala pang itak na galing sa ninuno nyang si Lapu Lapu. Parang Tanga lang
"kalaban ka jan! magtigil ka nga! baka i-fried baboy kita ng di oras!" sabi ko na medjo galit na galit kunwari habang tinataas taas ang kilay ko na parang mataray.
"ba.." bago pa man sya mag salita inunahan ko na.
"silipin mo nga yung bintana ni Marc! Bilis!" pa-senyorita kong utos.
"ano?! papasilip mo nanaman yung Crush mong suplado?" sabi nya.
"Tignan mo na bago pa kita masipa papuntang kwarto nya! TSAKA hoy! di sya suplado no! ayaw lang talaga nya sa panget... PANGET!"
diniin ko talaga sa kanya yung panget. kase naman panget naman talaga sya! kapal kapal ng makeup daig pa nya yung itim ng kili-kili nung kapitbahay namin na si Moseng sa sobrang itim ng eye shadow nya Hahaha..
sinilip ko rin syempre yung ,bintana ng kwarto nya na katapat lang din ng room ko galing no? actually, pina-sadya ko talaga yon.
Wow! Heaven talaga! tatanaw tanaw nalang ako sa kanya, kahit anung view pogi. "okay na ko! di na ko bad mood" kung ganyang muka lang naman ang makikita ko diba? mas pogi pa sya kay Enrique Gil, lalo na sa One Direction, 5SOS, at mas Lalong lalo naman kay Daniel Padilla.
pag nagkakasalubong nga kami binabati ko sya! kaya lang di nya talaga ako pinapansin. Mas pinapansin pa nya yung babaeng kalahe ni stitch at ang kapal pa ng fes di naman maganda dinedeadma-deadma lang nya si Marc.
eh mula Earth hanggang Kepler180F naman ang layo nya sa kagandahan ko teh! Abo na sya bago nya ma-reach ang beauty ko.
teka nga bat ko ba sya pinoproblema e mas maganda naman ako sa kanya at Mas mabait ako dun no!
Maka-Pagbukas na nga lang ng Facebook, "anu ba naman tong kalandian ng mga fb friends ko, di na nga Maganda nag wawacky pa" sa totoo lang di ko sila kikla inad ko lang sila para sabihin reeaal. kaya lang naman ako mag bubukas syempre para maka chat si Cruuush.
Well, as you all know ako lang naman ang nag-iisang babaeng napaka-ganda as in ubod ng ganda sa likod ng katauhan ni Mitchi Kim.
Nung isang araw ko lang sya actually ginawa. Syempre inad ko sya agad!
^^ Napag isip isip ko kase na kaylangan ko din syang kausapin sometimes kase nakakasawa yung puro paper doll at picture nya ang kausap.
to be honest, di naman nya alam na ako yon kase.. kase.. hello! gagawa na nga lang ako ng Poser account tapos muka ko pa gagamitin ko? anu to lokohan?
"Aba! May nag message sakin, baka sya tooo!! wait lang, here I go Marc De Leon!! my prince" -- corny ko dun ah! ang baduy pa, anyways here I go looovess
.
.
.
.
ay!
ganun??!!
"unggoy lang pala anu ba naman yan!"
<may tumunog>
"aaaay leche plan!" nabuga ko tuloy yung tubig sa screen. kase naman noh! online si crush! chi-nat pa nya ko.
Messages_-_-_
Marc De Leon
7:56 am
Hi! Thanks for the add! ;)
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
"oh my Gosh!"
syempre nireplyan ko sya agad, anu pa bang patatagalin ko noh! ito na yun oh!
Reply
Mitchi Kim
sent. 7:59am
Hi! you're welcome!
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
aba! nag reply ulet sya! grabe.pwede na ko mamatay!
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Marc De Leon
8:02am
I think I saw you already. nag-kita naba tayo?
Mitchi Kim
sent. 8:05am
i dont know to you. maybe?
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
"hala! patay! wrong grammar pa ata ako! lagoot! Major Turn off sya sakin ngayon"
1 day later..
| Hi! well, as trip trip ko lang naman talaga to. wala kase akong ma-doing doing. kaya pag tiisan nyo nalang pwede? Hihihihi |
BINABASA MO ANG
My Facebook Poser Love Affair
RomanceKwento ayon sa tunay na buhay ng isang batang laging mataray ang kilay...