Chapter 9 - Tantei High
Hindi niya pinansin ang binanggit ko at nagpatuloy siya sa isang van.
Imbis na sumakay sa front seat ay sa likod kami sumakay. I was mesmerized and amazed with the interior of the van. Aakalain mong ordinaryong van lang ito pero mamamangha ka sa loob nito.
The space inside is wider than it seems outside. May mga holograms na bumabalot sa interior ng sasakyan. Surely, the technology of this car is beyond anyone could have had imagined. Saglit kong nakalimutan ang mga injuries na natamo ko dahil sa amazement.
An alarm sounded the moment na makapasok kami nung lalaki sa loob.
'Humdrum Detected' an electronic voice said.
Napatingin sa akin yung lalaki habang buhat niya ako. Obviously, I'm the detected humdrum. Confusion filled his eyes siguro dahil sa sinabi nung Chrome kanina na Shinigami daw.
Confusing naman talaga ang sinabi nun. Hindi daw ako humdrum? Pero nadetect ako nitong kakaibang van bilang isang humdrum. One more thing. . . What the heck is a humdrum?
"It's okay Miyu, turn the alarm off." Sabi nung lalaki habang marahan akong inilalapag sa flooring nung sasakyan.
'Yes, Master Hiroshi.' Then the alarm went off.
Hiroshi? So 'yun ang pangalan ng lalaking ito.
Napadaing ako nang aksidenteng madanggi ang shuriken na nakabaon parin sa braso ko.
"Shit. Sorry. Sorry." Paulit ulit na hingi niya ng tawad.
Gusto ko sanang sabihing 'okay lang' dahil hindi naman niya sinasadya pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Sobrang nanghihina na ako dahil kahit ang magsalita ay napakahirap ng gawin.
Matapos pansamantalang pasadahan nung Hiroshi ang sugat ko ay kinausap nanaman niya yung sasakyang tinawag niyang Miyu kanina.
"To the nearest hospital in the area, Miyu. Fast."
Sumagot ang weird na sasakyan at naramdaman ko ang mabilis na pag andar nito.
Weird, pero hindi man lang ako nahihilo or nagkacrash sa anumang sulok ng sasakyan kahit na mabilis ang takbo nito. Siguro ay kasama iyon sa special features nung sasakyan.
Naputol ang amazement ko nang magsink-in sa akin yung sinabi ni Hiroshi kay Miyu.
Hospital? I definitely cannot go there!
Gusto ko siyang pigilan pero masyado na akong nanghihina at hindi ko man lang masabi kay Hiroshi na 'wag akong ituloy sa ospital.
Napalingon sa akin si Hiroshi ng nagtatakha, "Bakit ayaw mong madala sa ospital?"
Then it hit me! Nababasa niya rin ang iniisip ko!
An idea came into me, ginamit ko ang buong lakas ko at pinilit na pababain ang temperatura ng katawan ko hanggang may naform na ice crystals sa mga daliri ko at naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko.
Rumehistro ang pagkagulat at pagkalito sa mga mata ni Hiroshi.
Sinabi ko sa isip ko ang dahilan kung bakit hindi ako maaaring dalahin sa ospital. Nababasa niya ang isip ko at hiniling ko na sana ay maunawaan niya ako.
'I'm not normal...' I said inside my head, 'something was different to me. My DNA is not ordinary. It will create a fuss in the hospital and for the doctors.'
Unti unti nang nagdidilim ang paningin ko, pero bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang muling pag-alarm ng sasakyan.
'Huntres Detected.'
"Turn around Miyu! Let's go to Tantei High. Fast. Turn---"
Ang natatarantang pag-command ni Hiroshi ang huli kong narinig bago ako lamunin ng kawalan.
******
Nagising ako dahil sa ingay ng mga boses na nag uusap sa paligid. I tried to move or even open my eyes but I just can't. Gising ang diwa ko at naririnig ko ang mga nangyayari pero nanatiling paralisado ang katawan ko.
What's happening?
"Hiroshi! Nahihibang ka na ba? Bakit ka nagdala ng isang humdrum dito?" Pamilyar na boses ng isang babaeng tila nafufrustrate.
"Scold me later Reina, I'm trying to stop the friggin' alarm." Boses iyon ni Hiroshi at dahil sa sinabi niya ay narealize kong may alarm ngang umaalingawngaw sa paligid.
"Done." Sabi ni Hiroshi kasabay ng paghinto ng maingay na alarm.
"They're coming here." Sabi naman nung tinawag na Reina. Her voice, it was really familiar. Pero hindi ko maalala kung saan ko ito narinig.
"Let's take her to the medical department." It was Hiroshi, he sounded like commanding. With that ay naalala ko kung anong nangyari. I passed out after showing off my ability, dahil narin siguro sa panghihina ng katawan ko buhat ng matamo ko ang mga sugat ko ay nanghina ako ng todo at nawalan ng malay.
Pero nasaan ako ngayon?
May mga naririnig akong mabibilis na hakbang. Siguro'y may nagbubuhat sa akin ngayon at mabilis kaming naglalakad patungo kung saan.
Damn! I really cannot feel anything. Tanging ang pandinig ko lang ang sa tingin kong gumagana sa lahat ng senses ko ngayon. I felt so weak and unknowing. And I hate it!
'Turn around Miyu! Let's go to Tantei High. Fast.' Bigla kong naalala ang mga huling katagang aking narinig bago ako mawalan ng ulirat.
Tantei High? Don't tell me...
"Pero bakit mo siya dinala dito sa Tantei?" Rinig kong tanong nung Reina na kumumpirma ng mga hinala ko.
"She's not a humdrum, Reina." Protesta ni Hiroshi. Namamanhid at wala paring maramdaman ang katawan ko pero malinaw ko silang naririnig at ang mga hakbang na ginagawa nila. Kung saan nila ako dadalhin ay hindi ko parin alam.
"Hiroshi, the alarm rang!"
"Just trust me Reina. I've seen it."
Hindi ko na narinig pang sumagot yung Reina, pero patuloy kong nararamdaman ang mga yabag nila.
"Ms. Reina!" Sigaw ng isang babae.
"Akane? Malapit na ang susunod niyong klase ah." Nadagdagan ang mga yabag na naglalakad. Mukhang may mga kasama itong tinawag na Akane.
"May ilang minuto pa po bago magsimula. Nacurious po kami dun sa humdrum na tinutukoy niyo."
Ano ba kasi yung humdrum na yun? Kanina ko pa naririnig yun!
"She's awake." Boses ng isang lalaki. "I can hear her thoughts."
What?
"Yes she is. I just paralyzed and numbed her body, para hindi gaanong lumala ang injury niya."
"Kristena?" Gulat na boses. Pamilyar na boses, na agad kong nakilala.
Rainie Lazaro.
So, nasa Tantei High nga ako?
*****
BINABASA MO ANG
The Erityians and I
FanfictionKristena Fiorelli being the youngest zweitie in the organization-that the Custos tribe wants to annihilate-is always obediently following orders bestowed to her, without any prior knowledge about the existence of the Erityian race. She only knew abo...