Kung ano ano lang ang ginagawa nila sa loob ng room naglalaro, nagkukuwentuhan, nag-uusap. Habang ako naman ay inabala ang sarili sa mga librong nandito sa malawak na guest room.Hindi na namin namalayan ang oras nang may maid na pumasok dala dala ang iba't ibang damit. Sinabi niya na ibinilin ni Bianca na iyon ang susuotin namin sa party mamaya.
"Wow ang cute naman nito! Bikini!" Sabi pa ni Akane sabay taas sa hawak niya.
Napansin ko ang panlulumo sa itsura ni Rai---Akemi. Obviously, hindi siya kumportable o sanay sa mga ganito.
Isa isa na silang nagbihis dahil iisa lang naman ang comfort room dito sa kwarto.
Si Akane ang huling nagbihis sa kanila and the moment she walk out that room, tiningnan nila ako since ang prente parin ng pagkakaupo ko sa couch at tila wala akong planong magpalit.
Actually, wala talaga akong planong makigulo sa party mamaya. It was weird pero tinatamad ako. Umiling nalang ako sa kanila at saka ikinumpas ang kamay ko na parang pinapaalis na sila. Pero nagulat ako nang damputin ni Akane ang natitirang pares ng swim wear at saka ihagis sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin nang tumama ito sa dibdib ko, pero tinaasan niya lang ako ng kilay saka ipinaling ang ulo niya sa bandang kaliwa kung nasaan ang restroom na pinagbihisan din nila.
Hindi na sana ako patitinag nang mapansin ko na lahat sila ay hindi pa kumikilos para umalis na tila naghihintay parin sa akin.
Napabuntong hininga nalamang ako saka padarag na tumayo dala-dala yung two-piece na iniabot ni Akane.
Nakarinig pa ako ng ilang hagikhik bago ako pumasok sa restroom. Nakita ko pa ang tila nang-aasar na pagngisi ni Hayate bago ko isinara ang pinto.
Damn this people! Wala naman akong planong isabotahe ang kaso nila tinatamad lang talaga ako, but on the other hand I was the one who brought myself with them, so I guess wala na akong magagawa.
I was bare with only the bikini nang lumabas ako ng restroom, nagdiretso ako dun sa kaninang pinagpapatungan nung mga swim wear at kinuha ko yung naiwan na sarong doon.
I could feel their stares partly siguro because of my figure pero malakas ang kutob ko na dahil yun sa black sun tattoo ko on my lower back. I don't know kung aware sila sa existence ng organisasyon they either do or don't. Except for Hayate, I was pretty sure na may nalalaman siya.
Itinali ko yung sarong sa bewang ko at hinayaang bumagsak ito hanggang sa kalahati ng hita ko.
I ignored the looks they are giving me at sabay sabay kaming lumabas para humalo sa party.
Agad naman kaming nakita ni Bianca and she complimented us. Lasing na ata siya dahil tila walang nagbabanta sa buhay niya nang batiin niya kami. Tss.
Nagsimula nang maginstruct si Hayate, he divided them into two groups the girls and the boys. He looked at me and I just shrugged wala sa plano ko ang tulungan sila I just want to watch how they roll.
Nag-abot siya ng mga earpieces at inasahan ko nang hindi ako kasama but to my surprise he handed me one.
Alanganin ko pa iyong tinanggap habang pinapaliwanag niya kung bakit namin kakailanganin 'yon. Masyado daw maraming tao at mahihirapan kaming makapag-usap through our inner voices.
Nagsimula nang maghiwalay yung dalawang grupo at imbis na sumama sa mga babae ay naglibot ako mag-isa. Hindi ko alam ang gagawin siguro ay magoobserba na lang ako.
Hindi ko narin pinigilan ang sarili na mag-enjoy sa party. I took drinks and some foods. It was a pretty perfect party kung wala lang threat sa buhay nung host.
BINABASA MO ANG
The Erityians and I
FanfictionKristena Fiorelli being the youngest zweitie in the organization-that the Custos tribe wants to annihilate-is always obediently following orders bestowed to her, without any prior knowledge about the existence of the Erityian race. She only knew abo...