Chapter 10 – Inner Voice
Nang imulat ko ang mga mata ko ay puro puti ang nakikita ko.
Anong nangyari?
Nilibot ko ang mga mata sa kwartong kinasasadlakan at inalala ang mga nangyari.
Damn! I was badly injured!
Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung nananatili parin bang paralisado ang katawan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng magawa kong maigalaw ang kamay ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hindi naman ako nabigo, may bandage na yung braso at hita kong tinamaan ng shurikens at ngayon ko lang rin napagtanto na naka-hospital gown pala ako.
Nasa hospital ako? Tantei High? Hindi naman kasi mukhang ordinaryong shool clinic lang itong pinagdalahan sa akin eh. Bakit walang dextrose and such na naka kabit sa akin?
Dahan dahan akong lumapit sa pintuan ng kwarto dahil medyo nanghihina pa ako, kumikirot parin yung mga sugat ko.
Gaano katagal na ba akong tulog?
Aabutin at bubuksan ko na sana yung pinto, kaso nagulat ako nang may magbukas din no'n mula sa labas.
"Gising ka na pala." Napatitig ako sa lalaking bagong dating. Inasahan ko nang makikita ko siya dito pero hindi ko akalaing makikita ko siya agad.
Pumasok siya sa kwarto at napaatras ako dahil doon. If he's here to hurt me, siguradong magtatagumpay siya. Nararamdaman kong hindi pa ako magaling kaya hindi ko alam kung malalabanan o matatapatan ko ba ang lakas niya.
"Why bother going here?" Buong tapang kong tanong. He's my target, as much as I want to kill him, hindi ko alam kung mananalo ako sa kaniya. Base on his postures pakiramdam ko kasing lakas niya yung umatake sa akin kanina.
"Still thinking on how to kill me eh? "
He can read my mind too!
"Yes, I too, can read your mind."
What's with this bullcraps? Mind reading? Is it connected to me being a humdrum and not being a humdrum at all?
He chuckled and I raised a brow, what's so funny?
"You're cute," What the heck's with this guy? "Humdrums were the ordinary people, no strange eye colors and no special abilities."
"That's how you guys call us?"
"Well yeah, but Hiroshi explained to me already na hindi ka isang humdrum. Possible na isa ka ring Erityian. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit isinisigaw ng buong presensya mo ang pagiging humdrum?"
I was stunned lalo pa nang itanong niya sa akin 'yan while invading my personal space.
I quickly moved and stepped on his foot, bet he wasn't able to predict that.
"That's my personal space asshole!" Sigaw ko habang mabilis na lumalabas ng kuwarto.
"So, ibig sabihin may inner voice din si Kristena? Parang tayo lang? Eh 'diba humdrum siya?" That was Rainie's voice at huli na para tumigil sa pagtakbo dahil nakatingin na sila sa akin. So I took a halt. Dang!
"Saan ka pupunta Miss?" Sarkastikong tanong nung isang lalaking hindi ko kilala, "And yes, Akemi may inner voice siya and in fact I'm letting her hear this on her mind. Hello, my name's Hiro." Dugtong pa niya sa isip niya na parang sinasagot yung tanong ni Rainie, pero wait... Akemi?
"Inner voice?" Tanong ko sa anim na taong nasa harapan ko ngayon. Ngayon ko lang rin napagtanto na pointless pala yung ginawa kong pagtatangkang tumakas dahil balwarte nila ang Tantei High.
BINABASA MO ANG
The Erityians and I
FanfictionKristena Fiorelli being the youngest zweitie in the organization-that the Custos tribe wants to annihilate-is always obediently following orders bestowed to her, without any prior knowledge about the existence of the Erityian race. She only knew abo...