REVERSING POLARITY Pinanganak kang Nakasimangot

60 2 2
                                    

Prologue

Kung pagbabago rin lang ang pag-uusapan, wala namang nabago sa mundong ginagalawan ko. Everything is still the same, andyan pa rin ang mga batang naglalaro na walang pakialam kung matamaan ako sa ulo ng basketball pag dadaan ako sa kalyeng ginawa nilang court, basta ma-shoot lang nila agad para di sila maabutan ng kanilang imaginary shot clock. Andyan pa rin ang kapitbahay naming full blast ang speaker ng videoke habang kumakanta ng “Just Give Me A Reason” na pinapa-ulit-ulit lang nya hanggang mapaos sya o sigawan ng kapitbahay, whatever comes first.

Sa pamilya? Sa mga kaibigan? Sa mga katrabaho? Sa mga kaaway? Wala rin. Pero sakin, malaki, EPIC.

Chapter 1

Sino ba naman ang matutuwa sa bahay na to, pagkagising mo pa lang, sasalubungin ka na agad ng nakaka-bwisit na iyak ng batang kapitbahay. Akala mo wala nang bukas kung maka ngal ngal, gusto lang palang lumabas ng gate ng compound para maglaro. Sa isang banda, di ko rin naman sya masisisi, sino ba namang gustong magtagal sa isang lugar na para ka lang namang nasa Alcatraz. Teka, pa-cute pa ako e, lugar na parang nasa Bilibid Prison; masikip, mainit, wala kang makikita kundi pader at firewall ng kapitbahay.

Kung tutuusin di na dapat ako naiinis sa lugar na to dahil dito na ako binuo, pinanganak, pinalaki, at malamang dito na rin tatanda. Kung hindi man dito, kahit saan sa Metro Manila na ganito din ka miserable. Pasig, isang lugar na sikat dahil sa baho at dumi ng sikat na ilog dito.

“Jodi, gising ka na pala. May dumating na sulat, nasa mailbox pa, di ko na inalis kasi nagwawalis pa ako kanina, tapos yun, nakalimutan ko na ipasok,” bungad ng mahaderang maid namin na di marunong kumatok sa pinto ng kwarto ng may kwarto.

“Wow, sulat. Meron pa pala nun,” sambit ko kay Pango. He snorted.

Pango, my lovely furkid Pango. When my imaginary friend gave up on me, I bought Pango. He is a purebred pug. Asong maliit na walang nguso. Binili ko siya dahil I fell in love the first time I saw him. Ang dami nyang expressions sa mukha. Yung tipong pag kinausap mo parang naiintindihan ka nya. We’ve been best friends ever since. He listens, I give him food. Perfect setup.

Did I mention that I’m crazy? You’ve probably figured it out, umpisa pa lang. Self diagnosed, functional crazy. In short, normal lang sa panahon na to.

Pinuntahan ko ang mailbox para kunin ang sulat. I was thinking maybe from an old friend who is a technophobe, di marunong mag email. O baka naman sulat galing sa abroad, may kamag-anak kaya kami na di ko alam? Tapos hinahanap ako ng lawyer nya kasi namatay sya tapos ako lang ang tagapag mana.

Lo and behold, credit card bill pala.

“Kata! Maliligo na ako, paki kuha na lang yung pinaayos kong sapatos, kailangan ko yun ngayon,” sigaw ko sa aming mahaderang maid. Makaganti man lang kahit konti. 

REVERSING POLARITY Pinanganak kang NakasimangotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon