Morning Routine

29 1 1
                                    

Chapter 2

Ayoko sa malanding babae. So I put a lot of energy making sure na hindi ako mukang TH o pokpok kapag nag-aayos ako ng sarili. Ayokong magmukang malandi. Di naman sa matagal akong mag-ayos or anything, in fact, I can do it in as little as 10 minutes. Matagal lang ako mag-isip pagkatapos kong mag-ayos.

"Pango, how do I look?" tanong ko sa walang muwang na aso. Tuloy lang ang buhay nya, humilata lang sa higaan ko at sabay natulog.

Tatayo pa ako sa harap ng salamin ng matagal para kilatisin mabuti ang itsura ko. Saktong 5 ft ang height ko, kaya mahirap magdamit, magkamali lang ng konti magmumuka akong punggok na lapad.

Naka ponytail, not a strand out of place, check.

Barely there makeup, matte, neutrals, nude, check.

Shades dahil tirik ang araw, teka huwag na, malaki ang ilong ko, magmumukha akong Mr. Potato Head.

White buttoned-up blouse with black stitch accent, untucked, check.

Black pants, check.

Nyeta, mukha nanaman akong librarian.

Pinatungan ko ng itim na blazer na may malaking lapel para may style naman ng konti. Tumingin ulit ako sa salamin, "Ayan mukaha na akong librarian na giniginaw."

Inubos ko ang halos one-fourth ng body spray bago ako lumabas ng kwarto. Nakwenta ko na yun e. Bale pagbaba ko ng tricycle, matatabunan na ng konti yung amoy ng cologne pero marami pang matitira. Pag baba ko ng bus, mga kalahati na lang siguro yung matitirang amoy. Pagdating ko sa office building, mga 10 minutes na lakad siguro yun, sakto na yung amoy ko, di masyadong malakas na tipong tanggal ang sipon ng makaka-amoy. Di rin naman gaanong ubos, natatakpan pa ang amoy pawis, usok at syempre amoy ng Pasig River.

Ganun din ang ginagawa ko sa facial foundation ko, tamang palitada sa umaga, para pagdating ko sa opisina, di na gaanong maputi, di rin masyadong oily, konting retouch na lang, good to go na ulit.

Kata, Kata, Kata. Kung tutuusin di ko naman talaga kailangan ng katulong. Nagkataon lang na ayaw na ayaw ng kapatid kong si ate Melissa na maglinis ng dumi ni Pango. Kahit nasa bahay lang sya at si Pango lang ang kasama niya, hindi nya papansinin ang kawawang aso at hahayaang mamatay sa baho. Ayoko naman ng pagdating ko ng apartment e umaalingasaw na sa panghi at baho. Ayoko ring ikulong si Pango, syempre sino ba naman ang gustong ikulong ang anak nya. Kaya naman nang mag alok ng katulong na galing probinsya ang kapitbahay namin, kinuha ko na.

Ang hindi ko akalain, probinsyanang sosyalera pala si Kata. Huli na ang lahat nang malaman ko, binayaran ko na ang pamasahe at nag advance na sya ng dalawang buwan na sweldo. So no choice, kailangan kong pagtiyagaan ang katulong na nakataas ang kilay pag inuutusan at di na tumatanngap ng gawain pag lampas na ng 9:00 ng gabi. In fairness to her, may kusa sya at di na kailangang diktahan sa gagawin.

"Kata, yung dog food ni Pango alisin mo na mamaya pag di kinain baka malangawan pa," paalala ko kay Kata paglabas ko ng kwerto.

"Ay opo, lagi naman po," sagot ni Kata.

Grrrrr.

Umalis na ako bago pa mag init ang ulo ko.

Habang naglalakad papuntang kanto kung saan nag-aabang ng tricycle, naisip ko lang, 32 years old na ako. Lampas na ng kalendaryo. MATANDANG DALAGA. Ok lang. Kahit naman nung bata pa ako di ko naiisip ang sarili kong magiging isang asawa o nanay. Sa murang edad, alam ko na na problema lang ang makukuha ko pag sinunod ko ang normal na landas. Mga problemang wala akong katiyaga tiyagang problemahin.

"Manong sa Total, special," nagmamadali kong sinigaw sa manong driver bago pa ako maunahan ng iba. Syempre pag special mas gusto ng mga tricycle driver.

Di ako kagandahan pero hindi rin naman ako panget. Nagkaron at nawalan na ng boyfriend ng ilang beses. Kung may mga lalaking may commitment phobia, meron ding mga babae na ganun at isa na ako dun. The moment they get really serious, as in masyado nang nagplaplano para sa future, I'm out the door.

Bumaba na ako sa sakayan ng bus at nakasakay naman ako agad. A minor miracle dahil usually, 10 minutes minimum ang tinatagal bago ako makasakay. Plenty of time to plan my day.

May HR meeting mamaya, andyan nanaman ang boss kong super incompetent. Papasok lang para mag candy crush sa laptop nya. Hindi man lang mag pretend na nagtratrabaho. Palibhasa pinsang buo ng CIO na part owner ng company. As next in command sa kanya, syempre sakin lahat ang buhos ng responsibility. Alam ng lahat na ako ang gumagawa but no one really cares kasi wala rin naman silang magagawa.

Bigla na lang may sumabog sa kanang bahagi ng likod ng bus. Nagkagulo ang mga pasahero dahil biglang nag break ng malakas ang driver. Napasubsob ako sa sandalan ng upuan na nasa harap ko. Nang tumigil ang bus, agad kong tiningnan kung may masakit o sugat bas a katawan ko. Wala naman.

"Sumabog ang gulong sa likod!" sigaw ng konduktor.

Ayan, sabi ko na nga ba e, hindi pwedeng walang aberya. I now have two choices, 10-minute walk o sumakay ulit ng bus. I chose to walk. I figured, may time pa naman tapos makakasave pa ako. Nilapitan ko na agad ang konduktor at kinuha ang balik pasahe.

"Eastwood," sabi ko sa konduktor.

"Ma'am malapit napo yun, pwede nang lakarin," sagot ng konduktor.

"Ibabalik mo ang pamasahe ko o magrereport ako sa LTO? Hindi nyo ako naibaba sa pupuntahan ko at ayokong maglakad. Ibalik mo ang bayad ko," mariin kong pinilit.

"Ibalik mo na!" sigaw ng pasahero sa likod.

"O ayan na," pabalang na sagot ng konduktor sabay abot ng pera sa akin.

Kinuha ko na ang pera at agad na bumaba.

Meyo madalas mangyari ito sakin. Kung di man aberya sa bus, sa ibang mga bagay. Natuto na akong lumaban sa kapalaran. Take that universe. Iniisip mo pa lang, nasa defense mode na ako.




REVERSING POLARITY Pinanganak kang NakasimangotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon