Favor

9 1 0
                                    

Five minutes late. Ang masaklap pa, dahil sa naglakad ako ng mas mahaba dahil sa nasiraan ang bus, yung estimated level of fragrance ng cologne ko bumagsak na. Amoy alas dose na agad ako. Ayoko na ring i-check ang status ng foundation ko, baka lalo akong maloka.

Lenamar Trading, Inc., isang publishing company ng mga magazines, books at kung ano ano pa, basta print media. Considering na halos puro online na ang binabasa ng mga readers ngayon, maswerte na buhay pa rin kami hanggang ngayon.

Isa ang kumpanya sa pinakamalaking publishing house sa Pilipinas. Kaya di kataka takang ultimo guard post puno ng submissions ng mga fiction at non fiction authors. Di rin nawawalan ng authors ang lobby, trying to personally hand in their works, baka daw mas malaki ang chance ma publish.

Pag labas ko ng elevator, sinalubong agad ako ng aking assistant na si Jen. Jen nga ba ang pangalan? Alice yata. Anyway, lagi kong nakakalimutan dahil lagi rin namang napapalitan. Either OJT o intern ang assistant ko dahil nagtitipid ang kumpanya. So pointless na matandaan ko pa ang pangalan, napapalitan rin naman agad.

"Ma'am hinahanap ka po ni boss Ernie," pahingal na sabi ni Jen o Alice.

"Sige ako na bahala. Paki bili naman ako ng coffee sa baba please. Ayoko nung nasa pantry ha, parang nineties pa nilinisan yung coffee maker dun," nagmamadali kong inutos sabay bigay na rin ng bag at blazer sa kanya para dalin sa opisina ko.

I work as an Fiction Acquisitions Editor for the company. Ako ang nag aapprove ng mga unsolicited submissions ng mga author. If I find it interesting at may potential maging bestseller, good as published na ang novel.

Dumitetso na agad ako sa office ni Ernie Campit, Senior Romance Fiction Editor. Di ko man sya boss dahil pantay lang kami ng posisyon sa office, I make it a point na ako ang pumupunta sa office nya whether ako o sya ang may kailangan. A certified office kleptomaniac, hindi pinapalampas ni Ernie na mangolekta ng "souvenir" saan man syang opisina mapadpad. Stapler man yan o paperclip, laging merong namamagnet ang kamay nya.

"Good morning Ernie. May kailangan ka sakin?"

"Hi Jodi! Take a seat. I just need a little favor from you," pakantang bati ni Ernie.

"Tell me," sagot ko. Nakatayo pa rin, sadyang hindi ako umupo para di na matagalan.

"Well, my cousin is in town. I need somebody to show him around the city o kahit saan umabot. Alam mo naman, wala naman kaming ibang kamag anak dito, puro nasa abroad," paliwanag ni Ernie.

"And of all people you know, you thought of me? Talaga lng ha," natatawa kong sagot.

"I'll pay you!"

"Ok, kailan?" mabilis kong sagot. Di ko na nagawang magpaka demure, pera na pinag uusapan e.

"Update kita," sagot ni Ernie sabay tatawa tawa. "By the way, nabasa ko yung first chapter ng Nakatagong Anino, kala ko naligaw sa desk ko, lesbian coming out story pala. Good call, looks promising."

"Oh yeah, I remember. Ha! May picture ng author yung submission. Nagustuhan mo ba talaga ang story o yung author?" pabiro kong tanong.

"Bumalik ka na nga sa opisina mo," pabirong sagot ni Ernie.

Nasa desk na ako nang maalala kong na ngi hindi ko man lng natanong kung magkano ibabayad sakin as an honorary tour guide. Pero di bale, makakapag unwind naman ako kahit paano, plus one point for my favor bank yun for Ernie. I just might need a favor from him in the future, mabuti nang may bargaining chip.

I don't exactly need the money. At my age nakapag save naman ako, just enough for emergency and other contingency plan in case mawalan ako ng trabaho. Iba lang talaga yung nakapasyal ka at the expense of another person. Now I just have to figure out how to go about the trip na hindi kami masyadong nag-uusap. Yup, should be a challenge, pero kakayanin.

As usual, puno nanaman ng manila envelope ang mesa ko. Binuksan ko yung pinakamalapit na envelope sa harap ko, probaby close to twenty five pages ang laman. Sa tagal ko na sa trabahong to, natutunan ko nang mag estimate ng pages base sa kapal ng papel. Title page, "Hindi na Kahit Kailan", second page, first paragraph, "Napakasakit at di ko malaman kung gusto ko pa mabuhay..." REJECT.

Second envelope, in a pink scented envelope, malamang mga five pages lang. Title page, "Unicorn Cupcakes and Tie-Die Socks". first paragraph, "Dear Diary..." REJECT.

Time to refill my REJECT stamp ink. "Jen!", mali, "Alice! Paki refill ng ink tank ng stamp," pasigaw kong tawag sa assistant ko.

"Opo! Trisha po," pasigaw ding sagot ni Trisha. Take mental note.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REVERSING POLARITY Pinanganak kang NakasimangotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon