CHAPTER 1

56 1 0
                                    

CHARACTERS: Nicole Abueva

                          Andrew Manansala

                          Veronica Reyes

                          Manansala Family (will be mentioning later in the story)

Chapter 1:

“Ano Nicole? Iwan kana lang dito?” Tanong ni Veronica na kanyang bestfriend.

“okay lang ako Veron. Dito muna ako wala naman akong gagawin sa bahay eh.” Sabi nya sa bestfriend.

“Osige take care huh?” Sabay nagbeso at umalis na.

Abalang nagdedevelop ng mga negatives si Nicole sa kanilang studio kung saan sila nagtatrabaho Manansala Group of Companies o MGC. Isa ito sa mga malalaking kompanya ng bansa. Natanggap siya rito pagkatapos na pagkatapos nyang grumaduate sa Ateneo De Manila University sa kursong photography. Mapalad ding natanggap ang kaibigang si Veronica matapos nya itong irekomenda.

“Aba.. Ang gaganda ng mga sceneries sa Batangas ah.” Puri nya sa sarili habang tinitingnan ang mga litratong nadevelop na. “Hmmmmm..”

Matapos madevelop ang mga picture ay umuwi nang agad si Nicole sa kanyang bahay. Since ang mga magulang ni Nicole ay nasa abroad siya na lang magisa ang namumuhay sa Pilipinas kasama ang asong si Chichay. (Paborito nya si Kathryn at Daniel)

“Chichaaaaaay I’m hoooooome” Tawag nya sa alaga, agad naman itong lumapit sa kanya at dinila-dilaan ang pisnge nya.

“HAHAHAHHA, Chichay talaga namiss mo ba ko? Huh? Huh? hmmm”  Tumayo sya kumain at natulog na kasama si Chichay.

KINABUKASAN…

“Narinig nyo bang may bago na tayong amo?” Nagchichismisan nanaman ang kanyang mga katrabaho.

“Oo nga, ayon kay secretary Lim, nastroke daw si Mr. Manansala kaya naman pansamantalang papalit yung anak niya bilang CEO ng kompanya” Sabi naman ng isa..

“Nako, ngayong lang natin makikita ang isa sa mga heir ng Manansala, sa pagkakalaam ko lahat ng anak ni Mr. Manansala ay kay gagwapo!” Kinikilig na sabi ng isa

“Hahahaha, Oo nga nakakaexcite namang makita kung sino ang magiging bago nating amo!”

“Hmm, bagong amo? Nastroke si Mr Manansala? Eh ang lakas lakas naman nun eh’ sabi nya sa sarili

“Tara na nga balik na tayo sa work” Sabe ng isang chismosang colleague

Lumabas sya ng banyo at tinungo ang lamesa ni Veron

“Veron” 

“Oh bakit Nicole?”

“Narinig mo na bang magkakaroon tayo ng bagong amo? Ha?”

“Hmm, Oo.. isa sa mga heirs ng Manansala. Tingin mo gwapo yun?”

“Nako, wala akong panahon para sa mga gwapo gwapo nayan Veron.” Tugon nya

“Hmm sana naman mapangasawa ko ang isa sa mga heirs ng Manansala..” Tila nagde-daydream na sabi ni Veron.

Kilala nya si Veron mahirap lamang ang pamilya nito, kompara sa kanyang average life. Scholar ito sa unebersidad na pinapasukan kung kaya’t lagi itong nabubu-bully ng mga mayayamang kaklase.

*Flashback*

“You’re such a social climber! Di ka nababagay dito. Tingnan mo nga iyang itsura mo? Muka kang basahan!” Sabay sabay na nagtawanan ang mga mean girls

“Aba itong mayayaman na ito!!!” Bulong nya sa sarili.. “Sino naman kaya ang inaapi nila?”

May narinig syang splash ng tubig at doon sya lumabas ng cubicle kung saan sya nag ea-eavesdrop.

Nakita nya ang kaklaseng si Veron na basang basa ang uniform, bag at sapatos

“Huh! Yan ang bagay sayo social climber! –Mean girl 1

“Hypocrite!” – Mean girl 2

“Nicole?” –Mean girl 3

Gulat na gulat ang tatlong napatingin sa kanya, sapagkat sya ang president ng kanilang student council, takot ang mga ito sa kanya..

“Sa tingin nyo papalampasin ko ang lahat ng to?” Pansisindak nyang sabi

“Pero nic-nicole.. di naming sinasadya pe-pero..”

“Narinig ko na lahat.” Sabi nya

Dun sila nagsimulang maging magkaibigan ni Veron. Dahil nga di nakakaranas ng rangya ang kaibigan ay binibigyan nya ito ng mga lumang signature items na pinagsawaan nya. Ikinatutuwa naman ni Veron ang pagiging generous nya.

*end of flashback*

“Hayyy Veron, tigilan mo na nga ang pag de-daydream jan!”

“Hmppp.” Biglang nagtayuan ang lahat at may lalaking nagsalita sa harapan.

“Good morning everyone, I’m very please of meeting you all I am Andrew Manansala, the new CEO of this company. And I am assigned in this department. I hope we all get along and work hard thank you.”

Habang nagsasalita ang lalaking boss na daw nila mula ngayon ay nakatitig ito sa kanya. Di nya alam kung guni guni lamang iyon pero parang totoo ito, napakagwapo ng bago nilang boss. Nasa late 20’s ito, maputi at matikas ang pangangatwan. Wari’y napaka kinis ng balat nito pag hinawakan.. di nya mapigilan ang paghanga dito at gusto nya nang bawiin ang sinabe sa kaibigan kani-kanina lang.

May mga ilan pang announcement na sinasabi si Mr. Andrew ngunit di na nya ito napansin pa. Tuloy tuloy na itong nagmartsa patungo sa opisina ng head.

YOU CAPTURED MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon