Chapter 7

25 0 0
                                    

A/N: Sorry for all the typographical errors. i wasn't able to re-read this.. And tinatype ko pa muna sa word yung mga chapters. Please understand hihi :) Keep supporting guys!!!! FIGHTING!!😂😂😂

“Have you think about it?” Nagulat sya sa tanong ng boss habang kumakain sila

“W—what sir?” Maang nyang tugon

“The deal, yung pinagusapan natin kaninang lunch” Pagpaalala ni Andrew

“But sir, I can’t do that” Baka madevelop lang lalo feelings ko. Nais nyang idagdag

“Your job? Or the deal.. come to think of it Nicole, I’ll double the pay.. you’ll keep your job and stuff.. you won’t lose

“Okay sir I’ll think of it.” Ang naging sagot na lang niya

“Good. Manang Sylvia, paki samahan si Nicole sa kwarto niya.”

“S—sir? Dito tayo mautulog?” Tanong niya

“Yes, it’s too late to go back” Di na siya nakapalag sa boss at sumunod kay manang Sylvia.

Sa kwarto..

“Oh ija, ito ang nalinis kong kwarto”

“Wow manang napakaganda naman ng kwarto na’to” Napaisip siya, pambabae ang kwartong ito. Kulay lavender ang wallpaper nito.. may mga bulaklak at may mga kagamitan ding pambabae. Mayroong mga towels, lotions, mga pabangong sa tingin niya’y mamahalin..

Bakit kaya may mga gamit pambabae dito? Marahil ay sa mga babaeng dinadala dito ni Sir Andrew.

Sabi niya sa isip.

“Ito ang kwartong tinutuluyan ni Janet. Ang bunso at nagiisang babae ng mga Manansala” Sabi ni manang Sylvia na parang nababasa ang iniisip niya.

“mayroong anak na babae ang mga Manansala?!” Gulat niyang sabi.. ngayon niya lamang napagalaman ang katotohanang iyon.

“Hay ija, family matters.. mahirap Ipaliwanag, lalo’t isa kang estranghero sa mga Manansala.”

“Oo nga naman manang, patawad sa panguusisa.” Paghingi niya ng tawad

“Nako eh, kasalanan ko yun ako ang nagsalita” natawa ito “O siya, kung gusto mong maligo ay nakahanda na ang bath tub jan.. may mga pang ligo na din at pamalit. Maiwan na kita” Pag papaalam ng matanda

“Osige po manang, salamat po”

Naiwang magisa sa kwarto si Nicole at muli niyang naisip ang pakikipag usap sa boss kanina.

Tatanggapin niya kaya ang alok nito? Maganda ang alok nito, ngunit di niya gusting mahulog dito.. lalo na’t kamakailan lamang niya to nakilala

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung may text

Nagtext ang bestfriend na si Veron at mayroon ding text kay sec. lim

Message fr: Veronica

Uy, ano nang nangyayare sa inyo ni sir? May progress naba? Ha? Ha?

Iniimagine niya ang itsura ng kaibigan habang sinasabi to

Marahil ay kinikilig na ang gaga

Message fr: Sec. Lim

Nicole sana ay mayroon kang maiuwing pasalubong para sa kin.

“Nako, kinabahan ako sa message ni sec. lim” minsan  lamang ito magtext kaya naman narelieve siya nang mabasang nanghihingi lamang ito ng pasalubong

Tinext niya agad si Sec. Lim

“Opo, baka may madaanan kaming bilihan”

At tinawagan ang kaibigan

YOU CAPTURED MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon