Author's Note: Part Three

2.3K 39 4
                                    

Hello, everyone! I just want you to know na kung nakaabot man kayo dito sa part na to, Thank you! See, eto na yung last author’s note ko bago ko i-post yung last chapter at yung epilogue. Medyo natagalan ako sa huli dahil gusto kong paghirapan ng mabuti yung last two updates. Actually, pinaghirapan ko naman lahat yan. After two years, natapos ko rin. At ang nasabi ko lang nung nai-type ko yung last word sa Epilogue na.. Finally. Finally! At biglang may tig-isang luha na tumulo sa mga mata ko. Seryoso. 

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Naiyak talaga ako nung natapos ko yung story na to. As in, great big ugly sobs. Yeah, medyo mababaw. Actually, umiiyak din ako habang tina-type ko to. Such a cry baby. Pero what the hell, diba? Nakatapos ako ng isang story! It’s an achievement for me. Sabi ko sa sarili ko, madadagdagan pa itong story na to. Dadami ng dadami to kasi punong puno ng ideas ang utak ko. Kaso minsan, sa sobrang dami ng ideas, nagkabuhol-buhol na at hindi ko na alam simulan.

 

Dare to Play a Game Called Love. Haba ng title diba? Nung una, hindi pa ako confident na matatapos ko ito. Kasi title palang, parang cliché na. Pero alam ko sa sarili ko na hinding hindi yon magiging cliché dahil alam kong ideas ko to. Galing to sa sarili kong imagination. Hinubog ko ang bawat character sa isip ko. Ginawa ko silang ganito, ganyan, kasi gusto ko. Kasi alam kong akin ito. Kasi karapatan ko yun bilang author nito.

 

Kaya sa mga frustrated author out there na katulad ko… sulat lang kayo ng sulat. Gawa lang kayo ng gawa ng story. Finishing a story is one of the things I’m so proud of. At ang pakiramdam ng makatapos ng isang istoryang alam mong pinaghirapan mo talaga, forgive the language but… SHIT. Ang saya diba? Sobrang saya.

Kaya sa mga taong sumusuporta sa akin, maraming maraming salamat. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para matapos ito. At kung hindi dahil sa inyo, hindi ko mararamdaman ang saya na kahit kalian, hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay sa mundo.

 

Thank you. xx

-Kutielicious

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon