Chapter 36 - The Finals

4.4K 52 9
                                    

Ethan’s POV

 

It’s been 2 weeks. Hindi parin ako pinapansin ni Kryshll. Natapos na yung finals pero baka next week pa lumabas yung results.

 

Pano kapag hindi ako nag-top? Edi talunan na ako forever? ” sabi ko sa sarili ko.

 Palagi kaming nagkakasalubong sa hallway pero para akong sakit na palagi nalang na iniiwasan. Ano ba talaga ang dapat kong gawin sa kanya? Pano ko ba mapapaniwala na gustong gusto ko siya? Kailangan ko yung date para mahulog pa siya sa akin lalo.

  

Kinuha ko yung susi ng kotse ko at pumuntang school. Kahit Saturday, pwede namang pumunta kung may gagawing activity eh. Kilala naman ako nung guard kaya nakapasok ako kaagad. Hindi naman ako nagta-top sa exams kasi tamad akong magreview pero matalino naman ako. Kaya lang naman ako sinali sa quiz bee dati dahil sikat ako at kayang kaya lang mandaya. Pero, iba na ngayon eh. Bago nang challenge si Kryshll sa akin. 

Wala na eh. Nasimulan ko na to. Dapat ko itong tapusin kung hindi, ako talaga ang talunan.” Sabi ko.

  

Walang tao. Andun yung papers at yung laptop. Andun na siguro yung results. Dapat ako ang unang unang makakakita. Pagtingin ko, wala pa yung arrangement ng lowest to highest. Average ng scores palang. Una kong tinignan yung average ni Kryshll.

What the! Ang talino talaga! 97.67% siya sa overall exams! Siya pa ata ang nag-top! ”  Si Juriel naman, 96. 38%. Si Shay at Mika, halos parehas lang. 95. 94% at 95. 82%. Magkalapit lang sila! Si Josef, 81. 48%, si Paolo, 85.13%! Inspired ang loko! Si Chris naman, aba naka 87. 62% pa! Hindi naman kasi kami nagre-review. Pero kapag hindi written, matino naman kami. At huli kong tinignan ay yung result ng exams ko.

Shit! Ang baba! 83.88%! Hindi pwede ito! Nataasan pa ako ni Chris at Paolo! Mai-impress si Krysh kay Chris niyan! Hindi pwede to. Wala namang makakapansin kung papalitan ko diba? Baka isiping typo lang yung 8 at 9 kasi magkatabi. From 83.88 to 93.88. Umalis na ako kaagad at baka mahuli pa ako.

  

Fast Forward

                                                                                                                                                                   

Kryshll’s POV

Eto na! Excited na ako sa results! Sana, nagbunga lahat ng pinaghirapan ko! Excited na ako kaya nagmadali akong nag-ayos sa sarili. Umalis kaagad ako ng bahay at sinundo silang tatlo. Walking distance lang naman eh.

 

Oh, ang aga mo ah! Buti nalang, ang aga kong nagising! ” sabi ni Jam.

 “ Nakaka-excite na nakakakaba yung results ngayon eh! ” sabi ko. 

Sus! Gusto mo lang malaman kung nag-top si Ethan eh!  ” sabi ni Mika. 

Ha? Hindi noh! ” sagot ko kaagad. 

Sus! Osha! Tara na sa school! Sayang ang gising ng maaga! ” sabi ni Shay. Tapos, pumunta na kaming school. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon