•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°Dear Mr. Ewan
Pauwi na ako. Ang malas nga e bago ko lisanin ang school namin eh nakatanggap pa ko ng masamang balita? Hindi lang ata masamang balita kundi kamalas-malasang balita. Bakit ba ganun? Bakit ba ang malas ko sa taong yun?? Tanda mo pa ba yung nasulat ko dito last year? Si Troy na nagbunyag nung may tagos ako. Eeeeeeeehhhhh nakakahiya hanggang ngayon Mr. Ewan. Feeling ko sariwang sariwa pa yung mga kaganapan! At ngayon, partner ko sya sa research paper... So sad, napakamalas ko. Tamad pa namang pumasok yun! Sa loob ng one week dalawa o tatlong beses lang yun naeengganyo pumasok... Tsk.
Nga pala? Mr. Ewan. Nasa bus ako ngayon, pauwi ka na rin ba? Hmm :) ingat ka ah? Dapat kumain ka agad pagkadating mo ng bahay. Wag papalipas ng gutom..? At tandaan mo ikaw lang ang mamahalin ko kahit hindi pa tayo nagkikita XD haha. Ngayon pa lang inlove na ata ako sayo Mr. Ewan...
Kapag nakilala na kita ibubulong ko uli sayo na "Ang tagal kitang hinintay, I Love You <3"
Haha yiee sana makita na kita.
Labya.~Mika-------
......kasalukuyan akong nagsusulat ng diary ko ng biglang may umupong pasahero sa tabi ko.
"May nakaupo ba? "
pamilyar yung boses nya?
"Wala.. " sagot ko
Umayos ng upo yung pasahero, kinandong nya yung bag nya..
"Hayst.. " sya, habang bumuntong hininga.
Hindi ako lumilingon sa kanya, marahan ko na lang na tinago ang diary ko.
Itago ko na muna , mamaya makibasa XD
"It's been a long time.. " sabay pahabol nyang sabi.
Humarap sya sakin,
"H-hah?? " pagtataka ko
Bigla syang bumalik sa pagkakaupo nya... At sinandal ang ulo sa likuran ng upuan..
"Wala. " sabay pikit.
Ang snobber naman nito? Ano famous?
Kilala ko ba sya?
Feeling ah? Ngayon nga lang tayo nagkita..
Pinakiramdaman ko sya, hindi gumagagalaw, patay na ata.
I mean tulog na (agad)
Umayos ako ng upo, at tumingin na lang sa bintana.
Pero pamilyar yung boses nya .
Parang nakausap ko na sya dati?
Sigurado ako e
Saan nga ba? Alam ko sa school XD
Ayst! Bahala ka jan kuyah! Basta pamilyar boses mo.
Limot ko nga lang.
Hayst, pano ba naman kasi?
Sa sobrang busy ko, maalala ko pa kaya mga nakakasalubong at nakakausap ko sa school?
Sa sobrang busy ko nalilimutan ko na pati mga ka-batch mate ko :/
"Ne? Nine? "
YOU ARE READING
Dear Mr. Ewan
Teen FictionIkaw yung halos laman ng buong diary ko. Ikaw yung pinagdasal ko na sana nga e mahanap ko na. Ikaw na gumawa ng masaya at malungkot kong alaala. Ang bumuo at kumumpleto sa kulang na ako. Kung ikaw na nga si Mr. Ewan.. ngayon pa lang I love you...