Chapter 7

21 1 0
                                    

Dear Mr. Ewan,

Nasa bus ako ngayon. Gusto kong umiyak kaso andaming pasahero. :( Galing ako kina Steve. Oo sa bahay nila. Nangako ako sayo na hindi na ko babalik dun dahil nga mahina ako sa mga happy memories pero sumuway ako. Nakita ko syang umiyak kanina. Para saan yun? Para sakin parin ba yung mga luha na yun? Ako parin ba yung iniiyakan nya. ? Gusto kong malaman kung bakit sya umiyak. Like, pareho ba ang dahilan ng mga pag iyak namin ? :'( Are we not still moved on from what happened? 3 years na, pero bakit ang sakit sakit. :(
Mr. Ewan.. anong gagawin ko..

~Mikan <3

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagdating ko ng bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Wala kong ganang humarap sa mga nasa baba. Kaya umakyat na agad ako.

It seems like everything is fresh from its wound...

Parang kahapon lang nangyari ang lahat

Kahapon nya lang ako sinaktan...

Ang sakit....

:(.

[Flashback]

"Mikan?" Steve.

Nung araw na 'to tinaas nya yung hawak nyang bola at pinasa nya sakin.

"One on one? :)" Steve

"Sige ba!" Ako. Dinriball ang bola.

Umagaw naman sya pero dumidipensa ako.

"Oops.. oops haha!" Pero malaking tao si Steve, hirap syang makuha yung bola sakin dahil sa mababa ako at maliksi gumalaw.

"Shoot! Nyahaha 1 point!" ako. Dinilaan ko sya.

"Nice one. Pasa!"

Pinasa ko sa kanya yung bola.

At nakangiti syang nagdriball.

Yung ngiting abot tenga.. alam nya kasing sya namn ang makaka score..

Kaya nagpakitang gilas sya na makakabawi sya sakin.

Kita sa galaw nya yung saya.

Yung kapareho ng sayang nararanasan ko nung taym na yun.

Halos magwala ako sa saya dahil kasama ko sya.

Ang sarap nyang panoorin habang nagbabsketball. Hindi na ko umagaw sa kanya. Hinayaan ko na syang makashoot.

"Ano? Suko na? :P " Steve

" 'di pa hahaha " ako. Inagaw ko yung bola. Pero namali yung hakbang ko at natapilok ako sa sapatos nya.

" oh! Ayos ka lang?" Steve.

Tinayo nya ko mula sa sahig ng court. Haha basa pa namn ako ng pawis pero balewala lang sa kanya at binuhat nya ko.

"Nyaaa! Ibaba mo ko!" Ako natatawa.

Parang tingting lang kasi yung buhat buhat nya at hindi man lang nabibigatan.

"Tumigil ka nga ikaw na nga tong nadapa eh. " Steve

Tinaasan nya pa yung buhat nya sakin. XD

Grabehan.. hindi ba sya nabibigatan?

"Hindi ka ba nabibigatan?" Tanong ko.

"Hindi. " sya. Patuloy lang sa lakad.

Dear Mr. EwanWhere stories live. Discover now