Chapter 8

21 2 0
                                    

Chororoooo!
Tantanan tanan tantanan! 🎶🎵🎶🎵

Nagising ako sa alarm.

Agad akong bumangon sa higaan.

Naka uniform pa pala ko.

'Di ako nakapag palit kagabi

Kahit yung mga gamit ko naiwan kong nakasambulat sa kama.

"Anyare sayo Mikan?"

Hays



Dumiretso agad ako ng cr at naligo.


Hindi na ko magaalmusal. Sa school na lang din siguro

Pagkatapos nagbihis na ko at umalis.

Bus,

"Oh! Yung wala pang ticket jan! Galing ng green hills."

Dinukot ko yung wallet sa bulsa ng uniform ko,

Magaabot na sana ako ng bayad ng..

"Dalawang istudyante po. "

Agadd akong napatingin sa katabi kong lalaki.
Nagaabot sya ng bayad at hinarangan nya ang kamay ko.

"Bayad po---


Muli kong inabot ang bayad ko pero hinarangan nya uli.


Nagtaka na ko.

Tiningnan ko ng masama yung katabi kong lalaki.

"Ano bang--

Teka?


Sya yung lalaking nakatabi ko nung isang araw.

Sya nga.

"Ako na magbabayad. Para makabawi ako. :)" sya

"Dapat lang." Pagtataray ko.

"Sungit ah. 'Di naman maganda. Kuya dalawang istudyante yan ah." Sya. Nakangiti habang sinasara ang wallet


Umayos na ko ng upo.

Hays.

Ngumiti ka nga Mikan..

Hindi porke ang sama ng araw mo kahapon eh magiinit na ulo mo.


Ngiti ngiti.. wag papatalo sa mga nangyayari, okay?



"Ahh miss?"

"Yess? :)" masigla kong sagot

"Oh, biglang bumait ah. Haha anong nangyari?" Sya.

Sumimangot ako.

"Tse"

"Gusto ko lang itanong kung bakit ka naka P.E. uniform?  Eh diba regular uniform dapat natin ngayon?"

Tumingin ako sa suot ko.

Pake nya ba?



"Same university tayo diba?" Sya

"Oo. Ehh trip ko lang pake mo ba?" Ako

"So trip mo lang din mapatawag mamaya sa Guidance Office? " sya


"Tsk. Wag mo nga kong kausapin. Di kita kilala." Ako

"Pero kilala kita."

"Oh anong gagawin ko." Ako

"Sabagay.. di mo na gugustuhin pang makilala ako." Sya.

Dear Mr. EwanWhere stories live. Discover now