••°•°•°•°•°•°•Mikanella's POV•°•°•°•°•°•°Ang hirap pa lang maging college, puro research, thesis, projects, minsan may mga school activities, assignments, biglaang quiz, defense, exam, recitation at kung anu-ano pa. Ang hirap maging estudyante. Papasok ka ng cool and fresh uuwi ka ng haggard...
"Saan ka ba kasi nanggaling kanina Ms. Desmiguess? Tuloy naubusan ka ng partner para sa research nyo."
"Sorry po Ma'am, natagalan po kasi ako sa CR. Bigla pong sumakit yung tiyan ko dahil sa kinain ko."
Mabuti na lang at kahit nakakaranas na kami ng hirap at pagod sa aming pagaaral eh may mga guro parin talagang handa kang intindihin. Hmmm actually hindi lahat, but fortunately meron parin kahit papaano..
Kinuha ni Ma'am Delgado ang laptop nya at tiningnan ang master list ng section namin. Tsk naabala ko pa tuloy si Ma'am, sumakit kasi yung tiyan ko kanina kaya nung nagpilian na ng partner sa research eh wala ako.
Siguro wala ng natirang classmate ko,
Pano yun? Ako lang mag-isa??Hindi ko kaya.. Kahit matataas naman grades ko hindi ko parin kayang magtatag ng isang research paper.
Hm.. Sabagay, nasanay naman akong mag-isa.
Hanggang ngayon nga eh wala parin akong boyfriend?
Ang tagal ko ng single..
Ngayon pa ba ko susuko?
Kung kahit sa research paper single ako, GO!! PUSH !! >_< ako na lonely...
"Ah Ma'am? Okay na po. Kaya ko na :)"
"What? Anong kaya mo na?"
"Ako na lang po mag-isa sa research hindi ko na po kailangan ng partner. Tutal sanay naman po akong--"
"What are you talking about?? Nahanapan na kita ng partner. And he will be...
Wut?! "He" ???
Ibig sabihin lalaki???
Gosh.
Walang matinong lalaki sa section namin!
As in wala kahit isa.
Wag nyang sabihing--?
Si Lexon? Ugh! Dota player yun! At never magseryoso sa pagaaral yun!
Si Brix? Eeh!! Isa pa yun! Hindi nga alam nun kung pano mag divide eh? Baka mamaya kapag may problem sa paper namin ilagay lang nun mga character sa Mobile Legends! OLG player yun eeh.
Hmm...
Si Steven? Tsk! Aysh.
Bakit pa sya pumasok sa isip ko? Pero puwede ko syang paghinalaan lalo na maraming ayaw makapartner yun.
Paano ba naman, puro pambababae lang alam nun. Mamaya kapag may solving problem sa paper number ng mga chikababes nya malagay nya dun!Hayst.
Pls naman.. Kahit isa sa kanila huwag??
Huhuhu..
I hate my tummy! Bakit ka pa kasi sumakit kanina...!
"I think its better if si Mr. Troy Madrigal na lang ang makakapareho mo."
Wut?
Yung lalaking yun?
O_O
YOU ARE READING
Dear Mr. Ewan
Fiksi RemajaIkaw yung halos laman ng buong diary ko. Ikaw yung pinagdasal ko na sana nga e mahanap ko na. Ikaw na gumawa ng masaya at malungkot kong alaala. Ang bumuo at kumumpleto sa kulang na ako. Kung ikaw na nga si Mr. Ewan.. ngayon pa lang I love you...