THE NEXT DAY
" 10 things about my seatmate and 1 thing about myself?"
asar na asar kong sabi kay angelie. nandito kami ngayon sa rooftop. naiinis talaga ako. sino ba nag-imbento neto? mapaslang nga. kay daming alam. nananadya. Psh!
"bes, easy ka lang. wag highblood, ano naman ngayon kung ganon? Grade mo nakasalalay dito"
"kasi naman. yun pa pair ko? bakit ka pa kasi lumipat ng upuan ey? ayan tuloy" pagmamaktol ko!
"Hahahaha. di kaya. pinagpalit talaga kami ng upuan ewan ko ba dun sa prof. natin. masyado daw kasing maingay pag magkasama tayo. kaya yun!"
sabagay. kami lasing source ng kaingayan ey. kasalanan ba naming masyado kaming masiyahin? Basta sa ngayon. naaasar talaga ako. parang ayaw kong pumasok. Ayoko siyang makita. pinahiya niya ako at di ko makalimutan yun. I swear! nagulat nalang ako ng bigla akong binatukan ni angelie.
"aray naman! Yung braincells ko? sabay himas ng batok ko. ansakit kaya.
"ano ba iniisip mo ? masyado ka atang lutang?"
"Ey ano naman?"
"Duh? Di mo narinig?"
"ang alin?" nagtataka kong tanong. tumayo sya.
"Psh! Nagbell na. Wala kang halak pumasok?"
sabay nag lakad siya.
"Ahh? EH? Hoy!. Wait for me!" Hoy naku ka talaga cassey. Iniisip mo pa rin siya Shiopao ! Ano ba tong nasa isip ko. baka kasi mamaya ey, bigla nalang niya akong sapukin dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon. Pshh! Bahala na si batman.