Number 3: He is GENTLEMAN
JAMES'S POV
calling . . .
sino naman tong natawag? kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko kung sino ang natawag.
"cassey calling"
Ano naman problema neto. sinagot ko.
"Hello"
Malungkot iyang bungad saken. bakit ganito boses niya?
"Oh? bakit"
"Ahm.. kasii yung notebook na b-bnili ko ka-kanina.. wala kasi dito?
Naramdaman kong malungkot ang tono nya. mahalaga sakanya yun. kahit mahal ay binili niya. at tuwang-tuwa siya dun.
"Baka naiwan mo"
Tinignan ko sa may kotse ko. pero wala naman dun.
"wala naman dito sa kotse ko eh"
narinig ko nalang na nagbuntong hininga siya.
"ah. Sige salamat. Baka nasa videokehan ko naiwan."
In-end call nya na. Agad ko naman kinuha ung susi sa kotse ko at pumunta sa mall.
Ewan ko ba.. Bakit pumunta ako dito. Dinadala ako ng mga paa ko. psh! wait nga lang? Bakit ba sobrang concerned ako dun? di ko napansin nandito na pala ako sa loob ng videokehan. Nakita ko yung notebook niyang binili kanina. hayys. Ang burara talaga neto kinuha ko na at pumunta sa parking lot. tinext ko siya na ey meet niya ako ngayon sa ministop. Natanaw ko na siya. nakaupo siya at parang kinakabahan. pumasok na ako sa loob.
"Oh."
Sabay abot nung notebook niya.
" S-salamat. pinuntahan mo pa talaga ako"
" Excuse me? Di ko yan pinuntahan dun. di ako bumalik dun para dyaan. may binili kasi ako"
Palusot ko. wala naman kasi talaga akong binili. Ewan ko ba. pagkatawag nya saken, pumunta aagad ako.
"Ahh."
Parang disappointed siya. Sus!
" Sa susunod kasi tandaan mo na may gamit ka. Makakalimutin ka masyado. Sige ingat sa pag-uwe alis na ako."
Paalam ko sakanya. Di ko na Siya nilingon pa. Lumabas na ako sa ministop.
"salamat ulit"
rinig kong sigaw niya. di ko na pinansin. umuwi na rin ako ng bahay.