Story 5

1K 7 2
                                        

HIS BITE book 1 of bite trilogy ( completed )
By:  Ventrecard

Genre:  Vampire
5.14 million reads ( as of now 10-29-17)

Brief story information  based on my own understanding.

Sa kaharian ng Pursua Satorias ay namumuno ang magkakapatid na Gazellian. Kumpara sa ibang kaharian ay masasabing ang Pursua ang pinakamaliit at kayang sakupin subalit dahil sa malalakas ang mga  namumuno sa apat na parte nito ( Satorias, Halla Eberron, Deltora at nakalimutan ko ang isa hehe )ay walang nagtatangkang sumakop dito bukod doon may isa pang panlaban ang Pursua sa mananakop, iyon ay ang apat na diyosa sa salamin na mas makapangyarihan sa lahat. Bawat kaharian sa Pursua ay may kanya kanyang salamin at ang babae sa salamin ay ang kabiyak ng isa sa prinsipe ng bawat kaharian. Lalabas ang diyosa sa salamin bawat ika isang daan taon. Sa Pursua Satorias kung saan namumuno ang ang walong magkakapatid na Gazellian, ang hari which is ang panganay na si Dustan kasunod ang Prinsipeng si Zen Lancelot,  Lily, Evan, Caleb, Finn, Harper at Casper. Dahil isang perpektong hari si Dustan ay inaasahan na, na siya ang magiging kapareha ng diyosa sa salamin pero nagulat ang lahat ng mapunta sa pangalawang prinsipe ang Marka na iginuhit ng asul na apoy kung saan isang simbolo na siya ang kapareha ng diyosa sa salamin ng Satorias, si Zen Lancelot Gazellion ang pinakakinatatakutan at sakit sa ulo ng buong kaharian ng Satorias kasama ng iba pang kaharian. Wala itong sinasanto, dahil hawak niya ang kapangyarihan ng nyebe ay maituturing siyang isa sa makapangyarihan at mapaminsalang nilalang sa buong kaharian kasama ng isa pang pasaway na prinsipe, ang pangalawang prinsipe ng Deltora. Sino ang diyosa sa salamin?  Mapapaamo niya nga ba ang Prinsipe ng mga nyebe sa kaalamang baliw na baliw ito sa dugo niya simula ng malaman nitong siya ang kabiyak o tinatawag nilang 'mate ' ng diyosa sa salamin.

Isa ito sa mga binalik balikan kong kwento at inulit ulit na Basahin. Ang ganda kasi ng kwento pero nakakaiyak siya promise. Subaybayan niyo kung paano magmahal ang isang Zen Lancelot Gazellian ang isa sa pinakamatikas na prinsipe sa buong Pursua.

BEST WATTPAD STORIES TO READ Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon