Awakening One

581 20 1
                                    

                     THE MONSTER

First it was a flower...then it was a butterfly...then it was a tiny cat...then it was a big, poor dog...then it was---

"That girl really gives me the creeps,"

Dinig na dinig ko ang sinabi ng isa sa mga kaklase kong nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Alam na alam kong ako ang tinutukoy niya pero hindi ko nalang pinansin at napayuko nalang ako.

"Oo nga eh, talk about beauty in vain. Maganda lang siya pero di makakaila na napaka weirdo niya at painosente," pag sang-ayon ng isa sa kanila.
Ganito na ang eksena ng buhay ko noon pa. May mga taong pinag-iisipan ako ng masama dahil sa pagiging tahimik ko at di pakikihalubilo sa ibang tao.
"Napaka feelingera. Porket maganda siya eh,"

Sinara ko ang mga tenga ko at pilit na binaling ang atensyon ko sa kwaderno ko. May dumapong dragonfly sa kwaderno ko na mula sa labas ng bintana. Bahagya akong ngumiti habang pinagmamasdan ito. Pero ilang sandali pa...

No...no way...nauulit na naman...

Dahan-dahang naputol ang mga pakpak nito at nagsimulang magpira-piraso ang katawan nito.

Bakit...? bakit...? I'm not doing anything...why do I-

Hindi ko mapigilang maluha. Isa na namang inosenteng bagay ang nabiktima. Bakit nangyayari ito?

Pag ring ng school bell, naglakad ako sa hallway papunta sa locker ko at meron isang lalaki na nakatayo roon.
Bahagya kong ikinabigla nang inabutan niya ako ng sulat kasabay ay pagyuko niya.

"M-miss Euria, please go out with me!"

This again...please...please don't bother yourself with me anymore...or else you'll regret it.

"Pasensya ka na...hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo...pero natutuwa ako. Salamat,"

Iniwan ko siyang nakatulala at dumiretso na ako pauwi sa bahay.

"Demonyo...halimaw...anak ng demonyo..." paulit ulit na bigkas ng mama ko na nakaupo sa dulo ng silid.
I dropped my gaze as soon as I entered the room.

"Mama...I'm home-"
"HUWAG! HUWAG KANG LALAPIT! YOU'RE A CHILD OF THE DEVIL! HINDI KA TAO!"

First it was a flower...then a butterfly... then a small kitten...then a big, poor dog...and then, my father.

Pumikit ako at inaalala ang mga nangyari sa nakaraan. When I was a kid, normal akong nakikipaglaro sa mga batang kaedad ko. At isang araw, nag iba ang lahat. The children freaked out matapos nilang makita na biglang nalanta ang bulaklak na pinitas ko at nag simulang maging abo. I was scared as well.

Nang makauwi ako, sinabi ko sa mga magulang ko ang nangyari. Ang sabi nila, it was just pure coincidence. Pero hindi...something worse happened.
Isang paru-paro ang naging biktima na naman. Habang lumalaki ako, mas lumalala ang sitwasyon. My parents realized, I wasn't normal.

"Anong gagawin natin mahal? She's getting out of hand!" sigaw ni mama na natataranta habang pinagbubuhusan ng tubig ang nasusunog naming kusina.

Iyak ako ng iyak sa tabi at nilapitan ako ni papa.
"Euria, huwag kang umiyak. Hindi mo to kasalanan, you understand?"
"Diyos ko! diyos ko!"

Natakot si mama nang magsimulang umangat ang mga bagay bagay sa loob ng bahay at ang iba ay nagiging abo na. They're withering like a wilted rose.

"Honey, huminahon ka-"
"George! our Euria is not a human! isa siyang...isa siyang anak ng demonyo! HALIMAW!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Inakala kong mahal ako ni mama pero mukhang napagod na siya sa kakatago sa akin. She must be tired dealing with the misfortunes I bring.

Isa akong...anak ng demonyo?

Nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan at nanilim ang paningin ko. Air was surrounding my feet at biglang nagkaroon ng paglindol sa loob ng bahay.

"E-Euria, calm down...you're not a monster okay? you're my daughter, and you're a human."

Nagsisimula nang mabiyak ang sahig at patuloy na sumisigaw si mama na layuan ako ni papa pero hindi siya nakinig. Inakma niyang hawakan ako ng biglang nag collapse ang ceiling.

"GEORGE!!!"
"GAAH!"

I was scarred forever. Bumigay sa taas ni papa ang kisame at natabunan siya nito. I killed him. I killed my own father...with this terrifying unknown powers. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung bakit ako. Why do I have such powers? Why can't I control them?
Doon ako nagsimulang umiwas sa mga tao. Hindi ko alam kung kailan gumagana ang kapangyarihang ito. It was activating against my will. Minsan nakakakita rin ako ng mga kakaibang nilalang sa paligid ko. Mga nilalang na hindi makita ng iba kundi ako lang.
Dumilat ako at tiningnan ng mapait si mama.

"Hindi ka na sana nabuhay pa! sana hindi kita pinanganak! kung hindi dahil sa'yo, buhay pa si George!" sigaw ni mama habang namamaluktot sa sahig. Ilang taon siyang naging ganito matapos ang pagkamatay ng papa ko.

Ahh...I'm really...I'm really hopeless...

Hinulog ko ang bag ko sa sahig at lumuhod. Yumuko ako at nagsimulang umiyak.

"Mama, I'm sorry..."
"HUWAG KANG LALAPIT! YOU'RE A CHILD OF THE DEVIL! IBALIK MO SI GEORGE!"

"I'm sorry...I'm sorry...I'm sorry," patuloy ko ng paghingi ng tawad at patuloy na yumuyuko.
Kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik si papa at hindi ko na maayos ang buhay ko. I can't live a normal life anymore.

"Mama, huwag ka po mag-alala...lahat ng sakit...paghihirap at problema mo, lahat ng iyan ay mawawala..." mahina kong sambit.  Tumayo ako at may kinuha muna sa drawer at umalis sa bahay na walang sinasabi. Naramdaman kong nawalan na ako ng gana sa lahat ng nangyayari at hindi ko gustong madagdagan pa ang maaring maapektuhan ng kapangyarihang ito. My eyes lost all the emotions they had to show and it was reduced to nothingness.

Last thing I knew, nakatayo ako sa harap ng isang mataas na tulay at nakatitig sa bughaw na dagat. 'napakagandang tanawin' inisip ko. A fitting end for a monster like me. Kinuha ko ang cutter na dinala ko mula sa bahay at tiningnan ito.

"This is for the best...for myself...and for everyone else..."
Tinitigan ko muna ng ilang minuto ang dagat at ang lumulubog na araw. Hindi parin ako makapagpalabas ng kahit anong ekspresyon sa mukha ko.

Gusto kong mawala sa mundong ito. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Sa bandang huli, hindi ko man lang natuklasan kung ano ba talaga ang meron sa likod ng kapangyarihang ito at bakit ako?

Napuno ang paligid ng ingay mula sa mga dumadaang kotse at iba pang sasakyan at ang mga huni ng ibon.

I want to vanish from this world...to prevent more victims...

Dahan-dahan akong umakyat sa barricade ng tulay. Biglang nagsilabasan ang mga tao sa kanilang sasakyan ay sinisigawan ako. I didn't listen. I wanted to end my suffering.

"Napaka ikli ng naging oras ko sa mundong ito..."

I sure lived a short life. Pero it's much better than suffering all the time. Inangat ko ang cutter at tinuon sa kamay ko at agad na ginilitan ito.

"I'm finally...free."

Lumabas ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagbuhos ng dugo mula sa kamay ko. Sinigurado kong malalim na malalim ang sugat ko at tuluyan akong napapikit at nahulog sa malawak at malalim na katubigan.

Wizardess: Unholy AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon