Awakening Six ll

440 22 3
                                    


Euria's POV

Malapit nang magsimula ang familiar summoning at kararating lang ni Hestia galing sa kwarto niya sa dorm. Agad siyang tumabi sa akin pagkatapos.

"Kinakabahan ako, sana cute ang familiar na makuha ko!" aniya.
"Sigurado akong magagawa mo...at sana, ako rin..."

Ikinakatakot ko na baka magkamali ako at mabasag na naman ang limiter. Hindi ko na gustong may masaktan ako. Agad akong nanigas nang may kamay na tumapik sa balikat ko.

"Yo, Euria!"
"Mist..." napangiti ako sa kanya.
"Good luck sa summoning! sana makakuha kayo ng magandang familiar." sabi niya. Agad namang sumingit si Hestia. "Paano ba natutukoy ang isang familiar?" tanong niya.

Biglang dumaan sa harap namin si Notus at tiningnan kaming lahat ng blanking ekspresyon. "Ang mga familiar ay nobenta persyentong nakabase sa uri ng magia niyo at kung gaano kalakas ang energia niyo," paliwanag niya saka umalis. Nagtaka lang kami ni Hestia sa kanya.

"Sorry about my brother, ganyan talaga siya. Matalino pero tahimik." paliwanag ni Mist.

"Eh Mr. Boreas-"
"Huwag! Mist! Mist ang itawag mo sakin."
"Sorry...eh Mist, paano niyo nasasabing 90% na nakabase sa magia ang isang familiar?" tanong niya.

Ang sabi ni Mist, iyon ang madalas na nangyayari. Pero minsan, nakabase rin daw ito sa emosyon o personalidad ng isang tao.

"Minsan sa main magia din. Kagaya sakin, isang snow fairy ang familiar ko." sabi ni Mist.
"Talaga...?"
"Really?!"
"Pero napaka hirap ng ugali. Dahil siguro sa dark attribute ko." sumimangot si Mist.

Nanlaki ang mga mata namin ni Hestia. Naalala kong ice and snow ang isa sa mga kapangyarihan niya at dark attribute magic main magia niya bukod sa wind.
"Well, you'll see them later." sabi niya.
"Um...ano po ang main magia ni Eurus?" tanong ko.

"Oh, siya ba? ang main niya ay-"

Naudlot ang sasabihin niya ng pumwesto sa harapan ang professor. Agad kong natanaw sina Eurus, ginoong Zephyrus, at Notus kasama niya at sumali na rin si Mist.

"Ladies ang gentlemen, we will now proceed to your first familiar summoning. Pero bago ang lahat, gusto kong makita niyo ang familiars ng ating apat na prince candidate,"

Pumalakpak ang iba at nag cheer sa apat. May ibang kinikilig at meron ding nakakandarapa. Afterall....di mapagkakaila ang kagwapuhan nila.

Isa-isang umilaw at nag bigkas ng spell ang magkakapatid maliban kay ginoong Zephyrus na nag snap lang ng mga daliri. Napanganga kami sa mga nagsisilabasan na mga kakaibang nilalang sa harapan nila.

"Grazie" mahinang sabi ni Eurus. Bigla itong tumalon sa kanya at hinalikan niya ang noo nito. Napatili naman ang mga babae. Biglang lumaki so Grazie at ikinabigla nila yun.

Agad na sumunod si Mist na tila nahihirapan dahil mukhang nag-aaway sila ng familiar niya.
"Bilisan mo na kasi Pica!"
"Ang ingay mo BOREAS," sabat ng cute na snow fairy na familiar niya.
"Damn it, hurry up ang transform!" umikot ang mata nito at nagbuntong hininga. Agad siyang umikot ng mabilis at unti-unting nagiging malaki at sinlaki ng isang tao. Isang Napaka ganda ng familiar at napalaway ang mga lalaki.

Matapos ay ang familiar ni Notus. Inilahad niya ang kamay niya at may kung anong ilaw ang lumabas dito. Di pa namin nakikita ang familiar niya pero agad kaming napaurong nang makita ang isang malaki at puting ahas na nasa likuran niya. Pero hindi pala nakakatakot, In fact it looks like a gentle familiar.

"Ang galing...lahat sila..."

Ang pang huli ay kay ginoong Zephyrus. Wala siyang gingawa at bigla lang umilaw ang harapan niya. Nakarinig kami ng kakaibang tunog at napanganga na naman kami sa nakita. Dalawang familiar ang nasa harap niya!

Wizardess: Unholy AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon