Awakening Two

567 18 7
                                    

Chapter dedicated to: @Krizzaaaaah

Euria's POV

If all you told was turned to gold,
If all you dreamed was new,
Imagine sky high above
In Caribbean blue...

Eurus...
Afer Ventus...

Bumabalik sa kaisipan ko ang kantang ito. Hindi ko alam pero, naririnig ko ito noong bata pa ako. I only have a brief memory about it. May kumakarga sa akin at nakatingin  kami sa kalangitan. Isang babae ang kumakanta nito. She had a soft voice although it was faint. Nakaramdam ako ng katahimikan at kaligtasan sa mga braso niya.

"Nnn-"
Pagdilat ko, naramdaman ko na nasa kakaibang posisyon ako. May mga baging na nakapulupot sa katawan ko at hindi ako makagalaw. I blinked twice when I saw my surrounding.

"A-ano ito...?"

Siguradong sigurado ako na nahulog ako sa tulay at malalim ang tinamo kong sugat. I reflexively looked at my wrist.

"Hindi...maaari..."

Laking gulat ko ng makita ang sugat kong naghilom na at wala man lang bakas na naiwan. Inisip ko baka naman patay na nga ako dahil nasa kakaibang lugarako. Ito ba ang langit? Maraming bulaklak,berdeng halaman at matataas na puno na may kulay pink na dahon ang nasa paligid. Mayroon ring kakaibang bagay na umiilaw sa paligid gaya ng mga fireflies.

Parang sumakit ang ulo ko sa sobrang pag-iisip. Unti-unting namamatay ang mga baging na nakapulupot at naka paligid sa akin.

No way...nangyayari parin...why? why?!

Nakawala ako sa mahigpit na pagkakatali sa mga halaman at napaluhod. Bumungad sa akin ng isang napakagandang puno na sobra ang pamumukadkad. Ito ang unang beses na makakita ako nito.

Bigla akong nakarinig ng mga boses sa paligid na parang iniipit dahil sa sobrang taas ng pitch. Tumalikod ako pero wala namang tao sa paligid.
Halos mapatalon ako sa kaba nang lumabas sa loob ng kagubatan ang isang puting hayop.

Isang ferret...?

Mukha siyang ferret pero kakaiba ang hugis ng mga tainga niya at mas malaki ng kaunti ang mga mata nito.

"Am I really dead...o baka naman nananaginip lang ako...?" tanong ko sa sarili ko. Inilahad ko ang kamay ko at dahan-dahan lumapit ang hayop sa akin.

Kahit saan man ito, my only wish is to vanish forever. Ayoko nang mabuhay. Nanlaki ang mga mata ko at inilayo ang sarili ko sa hayop.

"I'm sorry...muntik ka nang mapahamak dahil sa akin..."

Mabuti at di ako nakalapit ng husto sa kanya. Hindi ko alam kung kailan nangyayari ang mga di maipaliwanag na kapangyarihan sa katawan ko pero mas mabuti nang iwasan ko ang lahat ng lumalapit sa akin. Lahat sila, namamatay o biglaang nawawala.

"Grazie! Grazie nasaan ka?!"

My shoulder tensed up nang makarinig ako ng tinig ng lalaki sa loob ng kagubatan. Papalapit ng papalapit siya at palakas ng palakas ang mga yapak at pagtawag niya.

Hindi ko nagawang tumayo mula sa kinaroroonan ko. Nabalot ng kaba ang kalooban ko at napahawak ako sa dibdib ko. Biglang gumalaw ang mga halaman at tumakbo palayo ang ferret.

"GRAZIE!"

May isang lalaki na mataas at kakaiba ang kasuotan ang lumabas mula sa gubat. Punong-puno ng dahon ang damit niya dahil sa pag-susuot suot sa loob.

Wizardess: Unholy AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon