「u n a」

7 1 0
                                    

【PAGKAKATAON】

❝ MAY mga pagkakataong sinusubukan tayo ng tadhana at panahon,
yung tipong bibigyan nila tayo ng problema na magpapaisip satin kung bakit pa tayo nabuhay ngayon,
bakit nga ba tayo nabuhay pa
kung puro sakit at problema lang din naman ang ibinibigay satin diba?

May pagkakataong bibigyan tayo ng kasiyahan,
pero hanggang kailan?
hanggang kailan ang sayang iyon?
bigyan niyo naman ako ng babala kung kailan ako dapat tumigil sa pagtawa
dahill alam kong ang kapalit ng saya
ay ang lumbay at kawalan ng sigla.

May pagkakataon namang bibigyan tayo ng panahon ng oras,
oras para masabi natin sa mga mahal natin sa buhay kung gaano sila kahalaga,
para maipahayag nman natin sa kanila na kung gaano nila tayo pinapasaya,
binibigyan tayo ng panahon ng oras
para masambit natin sa harapan nila ang mga katagang "mahal kita",
kaya dapat hindi natin inaaksaya ang oras,
dahil sa hindi inaasahang pagkakataon,
tsaka naman sila kukunin ng Panginoon ❞

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silent VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon