The Prologue

2 0 0
                                    

"Class, our lesson for today is,------"

"You're late! Go to the detention room!"

"Students, we will be having a long quiz tomorrow. Be ready."

Ilan lang naman ang mga 'yan sa mga famous lines ng mga teachers na hinahangaan ng mga estudyante. Nakakabingi na nga, eh. Lintik na mga teachers na yan! Di ba sila nagsasawa sa mga pinagsasabi nila? Tsk! Dinadamay pa kami sa mga pinanggagawa nila. Di ba pwedeng sila nalang ang gumawa?

Assignments.

Projects.

Quizzes.

Exam.

Bakit ba kailangang gawin namin ang lahat ng mga yan? Di ba pwedeng ipasa nalang nila kami?

Kung hindi lang dahil sa mga pangarap namin, hindi na namin pinagtitiisan ang school na 'yan.
Kaya lang naman kami napipilitang pumasok dahil sa mga grades namin. Meron parin naman kaming natitirang awa pagdating sa mga grades namin. Kaso lang, hate talaga namin ang mga teachers, eh.

Sino bang hindi maiinis sa mga teachers na yan? Eh, halos lahat ng oras, sinesermonan ka. Kapag, walang assignment, pinapahiya ka sa buong klase. Kapag may problema sila, napagdidiskitahan nila ng galit ang mga estudyante. Hayss. Ang gulo nila.

Kaligayahan na namin ang araw ng Sabado at Linggo dahil sa araw na yan, nakakapagpahinga kami sa matinding torture ng mga teachers namin. Nagagawa namin lahat ng gusto namin. Nakakalakwatsa kami.

Pero, dalawang araw lang yan. Kapag Lunes na, para na naman kaming pinagsuklaban ng langit at lupa. Halata naman, eh. Makikita na naman namin ang mga dakilang teachers ng school.

Hero 'kuno' ng mga estudyante. Eh? Joke ba yan? Hero ba yung pinapalinis ka ng CR dahil lang sa isang katiting na pagkakamali? Tsk! Ang labo talaga nila.

Pero, dito sa DVU- Dame Vera University, walang makakapigil sa lahat ng mga gustong gawin namin. Kahit maparusahan man kami o hindi.

May tatlo kang pagpipilian sa punishment mo kapag nahuli ka. It's either mapapa-sit on the air ka, o made-detention ka ng isang oras. O higit pa dun ang parusa mo, by the principal.

Kaya ako? Lagi kong pinipili ang detention room kapag pinapapili ako ni teacher. Kasi sa detention room, pwede kang matulog. Wala namang nagbabantay sayo dun, eh. Lahat na nandun ay mga estudyante. Pero, kami ng tropa ko ang mga hari ng detention room. Tambayan na kasi namin ang lugar na yun. Paano ba naman. Eh, halos lahat ng subject teacher, tinatapon kami sa lugar na yun.

Pero, sa kabila ng lahat ng yan, di kami sumusuko. Di namin sinusukuan ang mga dakilang teachers. Makikipaglaban kami!

Kami ang mga estudyante ng section Saints, na nagsasabing "Teachers are our greatest enemies!"

World War Between Students And Teachers palagi ang motto namin ng tropa.

Ako lang naman si Lincoln Jay Carlos. Ang pinakagwapo sa grupo. Mga tropa ko? Bahala na ang mga yun. Basta. We Hate Teachers!!

Students' Greatest Enemies (A School Life Story) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon