Chapter One: One Team

3 0 0
                                    

Jay's POV

"Yaya? Yaya! Pakilabhan nga po itong school uniform ko..Pakikuha narin po yung maliit na salamin ni Mommy sa table nya mamaya." Utos ko kay Yaya Cecile habang bumababa ako sa hagdanan patungong salas. May bago akong plano para bukas, eh. World war na naman to! Yahoo!

Galing na akong school. At naghahanda na ako ng bagong tricks para kay teacher

"Yes po, Sir." Buti sumunod si Yaya. Haha. Napangiti na naman ako na parang asong baliw dito. Naalala ko kasi ang nangyari kanina sa loob ng klase namin. Haha. Ang saya nun.

kring...
kring...
   kring....

Teka! Phone ko yun, ah. Saan ko na nga ba yun nilagay?

"Gotcha!" Nahanap ko na ang phone ko. Dito ko lang pala to nilagay sa mini-table sa tabi ng vase ni Mommy.
Sino na naman ba itong tumatawag?

Marcus .....calling.....

Ano na naman bang pakay ng baklang 'to? Akala ko pa naman sina Mommy na ang tumatawag. Si Marcus lang pala. :-(

"Dude, napatawag ka." Paninimula ko kay Marcus sa phone. Kakakita lang namin sa school ngayong araw, na miss nya ako agad? Tsk! Bakla talaga.

"Bakit dude? Masama na bang tumawag ngayon, ha?" Okay. Hindi naman masama. Bakla lang talaga sya.

"O, sige na. Ano bang sadya mo't napatawag ka?" This time, seryoso na talaga ako. Umupo muna ako sa sofa namin. Nakakangalay kayang tumayo.

"Dude yung kanina."Anong kanina?

"Alam mo dude, you're welcome. Maliit na bagay lang yun." Uunahan ko na to. Thank You lang naman ang sasabihin nito. Nilibre ko kasi sila kanina sa cafeteria. Nakalimutan pa kasing magthank you, eh. Tsk.

"Dude, hindi. Yung kay Miss Rosales kanina." Awws. Akala ko naman, magtethank you sya. Wala talagang galang ang baklang to.

"Wag mo nalang yung isipin, dude. Kasali ka. Kasali ako. Kasali din ang buong tropa. Marami tayo kung sakali."  Wala namang ibang nakakaalam na kami ang may pakana sa nangyari kanina, eh. Kaya, no worries.

"Dude, may mapapatawag sa principal's office bukas." Huh? Sino naman? Baka sya siguro. Bahala na nga sya.

Call ended....
Binabaan pa talaga ako ng baklang yun.

Wala namang nakahuli sa amin kanina, eh.

Flashback...

"Class, pass your projects right now. Alam nyo naman na ngayon na ang deadline nun, di ba?" Striktang pagkakasabi ni Miss Rosales sa amin.

"Yes, Ma'am." Sagot naman ng mga classmates kong takot kay Miss Rosang matinik. Pero... project? Meron ba ako nun?

Patay! Hindi ko pala ginawa. Gulo na naman 'to. Mapapahiya na naman ako. Pero, exciting ang mangyayari ngayon!! Haha.

Lahat ng classmates ko pati mga tropa ko, nagpass na ng project. Teka. ako lang ang walang project?.

Binasa pa talaga nya isa-isa ang mga pangalan sa mga nagpasa na. Napatingin si Miss Rosales sa kinauupuan ko.
Humanda ka na sa maaaring mangyari, Lincoln.

"Mister Carlos?" Ayan na talaga. Nakataas na naman ang kilay ni Ma'am.

"Yes po, Ma'am. Present po!" Pinagtawanan na naman ako ng classmates ko. Tsk! Humanda ka mamaya Ma'am.

"Nasaan na ang project mo? Pass it. Right now!" Pumunta sya sa harap ko at namaywang pa. Di na nahiya. Ang pula-pula ng lipstick. Ang itim naman! Di bagay sa hitsura nya.

Students' Greatest Enemies (A School Life Story) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon