Chapter Three: Boys' Night Out

2 1 0
                                    

Jay's POV

"Yahoo! Party! Party!" Ang lakas lang makahiyaw ni Charles at Cedrick, eh. Pero, ang saya nilang tingnan na nagsasayawan. Yung malayo sa stress, malayo sa school, malayo sa mga teachers. At higit sa lahat, malayo sa family problems.

Gaya ko ngayon, hindi parin umuuwi sina Dad pero, hindi ako nagmumukmok. Kundi, nagsasaya ako kasama ang buong tropa ko- na parang pamilya ko narin kung maituturing.

"Dude, inumin nyo na kasi yan." Hays. Sabi ng hindi ako umiinom, eh. Good boy yata to. Kanina pa talaga tong si John, eh. Ang kulit!
Hindi parin ginagalaw nina Marcus at Llyod ang mga alak nila. Paano ba naman. Eh, hindi naman talaga kami umiinom. Kaming tatlo.

"Sige dude. Thanks." May pa-thank you pa talaga tong si Lloyd. Pero, asa  naman silang iinumin nya yan.

Si Marcus? Busy sa phone nya. Naglalaro yata, eh.

Oops. Hindi pala. Instagram pala ang inaatupag nito. May halos 1k na daw syang followers. Tsk. Sikat na raw sya.

"Hi Georgea." Anak ng! Si Lora. Parang higad.

"Hoy, ikaw Lora! Tigil-tigilan mo nga ako! Hindi ako si Georgea. Ako si George! Tatak mo yan sa makati mong katawan. Tsk!" Masamang disturbuhin yang si George. Paano ba naman? Eh, kita namang sumasayaw yang tao, binubulabog pa!

Dinig na dinig ko ang bangayan ng dalawa. Ang lakas, eh.

Hays. Para na talagang sasabog 'tong puso ko sa lakas ng music dito sa bar. Pero,......

Si Mea!
Bakit sya andito? Pumupunta din pala sya sa ganitong lugar? Di ko alam, ah.

Ah. Barkada pala nya itong higad nato. Walang duda, dinala sya ni Lora dito.

"Dude, may nagfollow na naman sa akin. Ang gwapo ko daw." Aba't! Nagmamayabang pa tong unggoy na to. Mas gwapo ako sa kanya, no!

"The hell I care!" Napa-english tuloy ako nang wala sa oras.

"Tsk!" Ano ka ngayon, Marcus?

Wait! Asan na si crush? Hays. Nawala na naman sya.

"Dude, anong balita dyan? Tahimik ka yata." Para kasing may pinoproblema tong si Lloyd, eh.

"Ah, wala lang dude. Pagod lang to." Tsk! Sinungalin. Eh, Sabado ngayon. Walang pasok.

Si crush. Galing palang CR. Ayun! Umupo na sya. Sayang malayo dito sa kinauupuan namin. Kung pwede lang sanang lapitan at sabihing 'Hi Mea. Crush kita!'. Haha! Malabong mangyari yun.

Isang tulad ko na mahilig mantrip ng mga teachers? Paniguradong inis din yan sakin. Pero sa bagay, gwapo naman ako. One point na siguro yun.

"Oy, dude! Tingnan mo si Mea, oh." Lasing na siguro to.

"Dude, si Mea nga." Oo nga. Si Mea nga yan. Anong problema ng mga to?

Potek!!

"Si Brandon!" Naiinis ako sa nakita ko. Si Brandon pinipilit si Mea na sumayaw.

Arggh!! Ginagalit talaga ako neto, eh.

"Dude! Wag. Yaan mo na yan. Baka magkagulo pa. Madawit pa tayo." Mga gago ba tong mga to? Pababayaan ko nalang ba si Mea? Tsk! Bahala na!

"Mga dude, palabasin mo na ang buong tropa. Hintayin nyo nalang ako sa labas." Utos ko kay Cedrick. Kahit papaano, di naman sila nalasing.

"Anong binabalak mo dude?" Alalang tanong sakin ni Thom.

"Matt, maiwan ka dito." Tumango naman si Matt.

Ako ng bahala dito.

Papalapit na ako kina Brandon at Mea. Humanda ka Brandon. Di ako natatakot sayo.

"Brandon!" Wrong timing yata ang pagkakasabi ko.

"Ano ba Brandon? Bitawan mo nga ako. Di nga ako sasayaw.!" Nakapulot parin yung malaking kamay ni Brandon sa braso ni Mea.

"Bitawan mo sya Brandon! Nasasaktan si Mea!"

"Brad, sino ka ba sa inaakala mo, ha?" Tsk! Di nya ba ako kilala? Ako lang naman ang pinakagwapong nilalang sa mundo. Walang iba kundi si Lincoln Jay Carlos.

"Tsk!" Ginagalit mo talaga ako Brandon, ah. Sige.

"Lincoln!" Si crush. Tinawag ako sa first name ko. First time to, ah. Hehe.

Sinuntok ko lang naman si Brandon sa pangit nyang pagmumukha. Ayun sa sahig. Bahala na sya dyan. Para kasing di na sya makagalaw sa sahig.

"Mea, tayo na!" Tumakbo na kami ni Mea sa labas. Buti nalang wala ang grupo ni Brandon.

"Dude, ayos lang ba kayo, ah?" Kitang-kita sa mga mata nila ang pag-aalala. Ganito kaming magtropa.

"Ayos lang mga dude." Tumingin ako kay Mea. Parang natulala.

"Mea, okay ka lang?"

"Ah..Oo..Ayos lang ako."

"Dude, umuwi na tayo. Baka habulin pa tayo nina Brandon." Tama si Matt. Kalalabas lang ni Matt sa bar. Nahuli si Matt na nakalabas. Hinila nya pa kasi si Lora. Pasalamat lang ang higad na yan. Kaibigan nya si Mea.

Hinatid namin si Mea. Buong byahe pa syang natulala. Parang di makapaniwala na niligtas ko sya.
Siguro.

Si Lora naman. Nakatulog sa byahe.

"Mga dude. Ingat kayo." Bumaba na ako sa van ni Bryan. Oo, van nya ang sinakyan naming lahat. Kasya naman kami, eh.

"Ge, dude." Umalis na sila. Hays. Nakakapagod.

"Oh, Sir. Ba't gabi kayong umuwi?" Buti pa si Manang Cecile. Andito palagi pag dating ko sa bahay. Hinihintay nya ako parati dito sa sala namin. Sina Mom at Dad? Ewan ko ba dun.

"Bonding lang po ng barkada, Yaya." Matamlay kong sagot. Eh, sa pagod na talaga ako, eh.

"Sige po, Yaya. Tulog na po ako."

"Pero Sir, di nyo ba kakainin ang hinanda ko?" Ay. Oo nga pala. Gutom na ako. Hehe.

"Kakain na po Yaya." Hays. Kung di lang ako gutom.

Nagniningning ang mga mata ko pagpasok ko sa dining area. Ang daming pagkain.

"Yaya, sabayan nyo po ako." Tawag ko kay Yaya. Di ko kaya to mauubos.

"Sir, para po talaga sa inyo yan." Hays. Pero, makakain na nga. Ano kayang uunahin ko dito?

**
Tapos na akong kumain. Ang sarap nun. Busog na talaga ko.

Andito ako ngayon sa kwarto. Inaantok na talaga ako.

Si Mea, ang ganda nya. Nakaisip pa talaga ako ng ganito, ah.

Yung mga mata nya. Hays. Kung alam mo lang sana Mea. Dati pa kita gusto nung freshmen pa lang tayo. Pero, di mo talaga ako pinapansin, eh. Paano ba yan.

At yung pangit na Brandon na yun. Nakakainis sya. Sinaktan pa talaga nya ang crush ko.
Pasalamat ang Brandon na yun. Yun lang ang natikman nyang suntok sakin.

Students' Greatest Enemies (A School Life Story) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon