Chaptet 1

0 0 0
                                    

Sofia Pov

Kanina pa ko nakatunganga dito iniisip ko kung kelan kaya ako magkaka love life o meron pa bang magkakagusto sa isang tulad ko baka naman tumanda na ko ng dalaga wag naman sana..

Never pa ko nahalikan ng isang lalaki kasi never pa din ako nagkaboyfriend.

Sa taba kong to sino pa kaya ang magkakagusto, sa waist line kong 30 plus o baka 40 plus na ayokong sukatin baka masaktan lang ako,,

Simula nung elementary, high school hanggang magcollege ako palaging tinatawag ako na baboy, mataba, tabachingching at tabachoy pero nasanay na ko dun kaya hindi ko na lang pinapansin..

Minsan nga sinasabi ng mga kaibigan ko na "hoy, Sofia magandan ka na sana mataba ka lang, try mo kaya magdiet" kaya lang hubby ko na talaga ang kumain halata naman diba kaya nung nagcollege ako culinary arts ang kinuha kong course ayaw sana nila mama at papa kasi gusto nila mag bussiness add ako para ako ung magmamanage ng negosyo nila pero kahit papano nagtayo pa rin ako ng sariling bussiness ko ung nga lang isang restaurant, syempre ako ang chef..

Alas nuebe na pala at kailangan ko na pumunta sa restaurant ko ang villa montes puro pang lunch at dinner ang sineserve namin kaya 10am kami nagbubukas.. Ngayon ay araw pa ng martes nataon na coding ko kaya no choice magcocommute ako medyo malapit lang naman isang sakay lang sa jeep ang nandun na ako un nga lang may mga bagay na hindi maiiwasan pag nakasakay ka na sa jeep.

Pumara na ko ng jeep at nakasakay na dito sa likod ng driver at medyo puno na kasi labing dalawan na kaming pasahero anim sa bawat side kaya pagdating sa may kanto may pumara at sumakay ang sabi ng driver

"kunting urong na lang po at pituhan po yan"

At ayon sa nakikita ko at sa lapad ko anim pa lang kami at mukhang hindi na kaya ng pito kaya ung babae na sasakay na sana sinabi na

"kuya sa ibang jeep na lang ako sasakay, hindi na po kakasya"

tapos bigla pang tumingin sa akin parang ako pa ang sinisisi niya nakakainsulto siya.

Kaya nagbigay ako ng bente sa driver sampung piso ang pamasahe sa bawat pasahero at sinabi ko na "dalawa" para hindi na niya ako bigyan ng sukli dahil nakakahiya naman sa kanya dahil sa lapad kong to nabawasan pa ang pasahero niya.

Pero inabot niya pa rin ang sukli ko

"Miss, sukli mo"

"Wag na kuya, keep the change na lang" pag tanggi ko sa kanya

"Kunin mo na, cute ka naman"

Kay kinuha ko na kaya lang hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa kasi sinabihan niya akong cute.

Pero habang nasa byahe ako panay ang tingin ng driver sa akin mula sa salamin nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya at tanging mata lang niya ang nakikita ko pero magaganda naman ang mga mata niya at parang ka edad ko lang siya..

Hanggang sa makababa ako nakatingin pa rin siya sa akin.

Kaya pagpasok ko sa restaurant sinalubong kaagad ako ni Milla isa sa mga empleyado at the same time best friend ko

"Kakapasok pa lang natin bakit ganyan kaagad ang mukha mo parang byernes santo" puna niya sa akin

"Eh! Pano kasi ung driver ng jeep na nasakyan ko panay ang tingin sa akin"

"Dapat nga matuwa ka kasi malaya mo baka crush ka nun" pagbibiro niya sa akin

"Hindi noh! Imposible naman un, nakakatakot nga kasi baka may mabangga siya"

"Friend baka naman hindi ka nagbayad kaya panay ang tingin sayo" sabay tawa niya

"Hindi din friend kasi nabayad naman ako, doble nga ung binayad ko pero binigay pa rin niya ung sukli ko tapos sinabi niya na cute ako"

"Talaga friend, anong itsura niya? Gwapo ba?" Tanong niya sa akin

"Maganda ung mga mata niya at medyo moreno"

"Un lang?"

"Hindi ko naman makit ung mukha niya kasi nakatalikod"

"Pero alam mo kung ako sayo araw araw na ko magjejeep para masakyan ko ulit un"

"Ha! Bakit naman? Alam mo naman na ayaw na ayaw ko ang magcommute, mas gusto ko pa rin na gamitin ung sasakyan ko"

"Malay mo, un na ung hinihintay mo na lovelife di ba?"

"Hay nako tigilan mo nga ako at magtrabaho na lang tayo mamaya dadating na ung mga costumers natin"

You're The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon