Sofia POV
Mahigit isang linggo na ang nakaraan simula nung nanyari yon.
Heto im driving going home, time check its already 10pm. Nang biglang huminto ang sasakyan ko.
"Ang malas ko naman, bakit ngayon ka pa huminto" ilang beses ko sinubukan na istart ang sasakyan ko pero ayaw talaga thats why I decided to go out of my car para humingi ng tulong un nga lang bigla akong kinalabutan sa dinami dami pa ng lugar dito pa sa may walang bahay at puro halaman at puno ang nakikita ko naisip ko baka may serial killer dito na nakatago at baka patayin ako hindi pa ko pwedeng mamatay wala pa akong lovelife at nataon din na wala pang dumadaan na sasakyan.
Maya maya may paparating, nang natanaw ko isang jeep
"Hay thank god at may sasakyan na"
Akala ko dito na ko hanggang umaga kaya pinara ko ung jeep pero hindi ko makita kung sino ung driver kasi madilim, hinintuan naman niya ako
"Miss may problema ba?" Tanong niya sa akin
Kaya lang parang familiar ung boses niya i cant remember kung saan ko un narinig.
"Eh kasi tumirik ung sasakyan ko, ayaw magstart" sabi ko naman kaya bumaba siya ng jeep niya para icheck ung sasakyan ko
Pero pagbaba niya sa wakas nakita ko na rin siya kasi may poste naman ng ilaw dito at nung nasa jeep siya natatakpan ng anino ung mukha niya. Kaya nung makita ko ang mukha niya ang gwapo niya parang kamukha niya si Coco Martin, may matangos na ilong at manipis ang kanyang labi hindi naman siya masyadong matangkad, maganda ang kanyang pangangatawan at medyo mareno na bagay naman sa kanya un nga lang medyo magulo ang kanyang buhok nakapantalon siya na kupas at punit na sa may tuhod siguro sa katagalan na rin at naka t shirt lang siya
"Miss okay ka lang?" Tanong niya ulit hindi ko napansin na nakatulala na pala ako
Tumango lang ako kasi parang natameme ako sa kagwapuhan niya
"May kakilala ako na auto repair shop dito at malapit lang dito un kung gusto mo hihilain ng jeep ko ang sasakyan mo para makarating tayo dun"
"Okay lang sa akin basta maayos ang sasakyan ko" pumayag na ko kasi no choice din hindi ko naman pwedeng iwan ang sasakyan ko dito
Kumuha siya ng at itinali iyon sa harap ng sasakayan ko at ang kabilang dulo naman sa likod ng jeep niya
"Miss dito ka na lang umupo sa tabi ko, para makaalis na tayo lumalalim na ang gabi"
Sumunod naman ako sa kanya at buti na lang hindi ako masyadong nahirapan sa pagsakay
Nung nakasakay na ko, pinaandar naman na niya ung jeep niya.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nagsalita siya
"Miss, ako nga pala si Vince, ikaw? Pagpapakilala niya, nilahad niya ang kanyang kaliwang kamay habang ang kanyang kanan ay nasa manibela
"Sofia, nice meeting you at salamat na rin sa pag tulog mo" tinanggap ko naman ang kamay niya ang nagshake hands kami pero saglit lang un
"Walang anuman" humarap siya sa akin at nginitian niya ako tapos nagfocus na kaagad siya sa daan
Mag lalo siyang naging pogi nung ngumiti siya
"Andito na tayo" sabi niya kaya bumaba na kami ng jeep niya buti na lang at gising pa ung may ari ng shop
"Magandang gabi boss Peter" bati niya dun sa may ari ng shop
"Gabi na Vince, bakit napadalaw ka pa?"
"May ipapaayos sana kami sayo itong sasakyan ng kaibigan ko"
"Ah ganun ba pero bukas ko na maayos yan kasi gabi na kaya kung pwede iwan mo na lang jan at balikan mo na lang bukas, titignan ko pa kung ano ang sira niyan"
"Sige po, balikan na lang po namin niyan bukas" kaya tinanggal ni vince ung mga tali pero bago kami umalis nagpasalamat ako dun sa may ari ng shop.
Sumakay ulit kami sa jeep at umupo ulit ako sa may harapan katabi ni Vince.
"Saan ka ba uuwi at ihahatid na kita?" Tanong niya sa akin
" malapit lang dito sa may pangalawang kanto lang"
"Gabi na baka hinahanap ka na sa inyo"
"Hindi, mag isa ko lang naman sa bahay kaya walang maghahanap sa akin"
"Talaga asan ang mga magulang o kapatin mo?"
"Wala, nasa states lahat sila, ihinto mo na lang jan sa tabi" sabi ko sa kanya ng marating namin ang bahay ko at bumaba na ko bago ako pumasok sa sa may gate nagpasalamat ulit ako sa kanya
"Maraming salamat sa pagtulong at sa pag hatid"
"Okay lang un, magkikita pa naman tayo bukas" nagtaka ako sa sinabi niya at napansin niya yata
"Kasi babalikan pa natin ung sasakyan mo"
Sa pagkasabi niyang un dun ko naalala tama siya kailangan ko pang balikan ung sasakyan ko.
"Sunduin kita bukas ng umaga"
Tumango naman ako
"Sige papasok na ko sa loob, kita na lang tayo bukas" pagpapaalam ko sa kanya
"Good night cute" sabi niya at pinaandar na niya ang kanyang jeep
BINABASA MO ANG
You're The Reason
RomanceSi Sofia certified NBSB (no boyfriend since birth) dahil siguro sa katabaan niya kaya walang nakakagusto gayun pa man hindi siya nawawalan ng pag asa. Hanggang dumating sa buhay niya ang gwapong jeepney driver na si Vince. Si Vince na kaya ang magin...