Chapter 3

0 0 0
                                    

Sofia POV

Hanggang ngayon lutang pa rin ako sa nanyari kagabi,, crush ko na yata si Vince ang bait niya kasi at gwapo pa tapos tinawag pa niya ako na cute..

Wait, tinawag ba niya ako na cute hindi kaya siya din ung tumawag sa akin na cute nung isang araw

Oo nga noh bakit ngayon ko lang naalala parehas sila ng mata..

Malay natin baka siya na ang prince charming ko baka siya na ang hinihintay kong lovelife. At excited na ko na makita siya mamaya

Kahit naman mataba ako may karapatan pa rin akong kiligin kaya wag na kayong komontra jan

Tatawagan ko pa pala si milla para ipaalam na late na ko makakarating ng restaurant

"Hello Milla, good morning" masigla kong bati sa kanya

"Napatawag ka? Mukhang maganda ang gising natin ngayon"

"Oo friend kaya lang mamaya ko na lang ikukwento sayo, malalate pa la ako mamaya kaya ikaw muna ang bahala sa restaurant"

"Sige pero bakit ka naman malalate? Siguro may date ka noh"

"Tigilan mo nga ako baka masira mo pa araw ko, may aasikasuhin lang ako, ipapaayos ko lang ung kotse ko nasira kasi"

"Okay, ako na lang ang bahala mamaya"

Saktong may biglang bumusina sa harap ng bahay baka si Vince na un

"Sige mamaya na lang tayo mag uusap, bye" pagpapaalam ko kay Milla sa telepono at lumabas na ko kaagad ng bahay

Tama ang hula ko nasa labas si Vince

"Ma'am sofia, tara na na po" sabi niya kaya lang parang masyado siyang magalang kagabi miss lang ang tawag niya sa akin ngayon may ma'am na,

Sumakay na ko sa harap ng kanyang jeep at pinaandar naman niya ito

"Pwede ba wag mo na akong tawagin na ma'am sofia parang hindi ako sanay kaya Sofia na lang"

"Sige po ma', sofia pala" nginitian niya ako

Tuwing nginingitian niya ako para akong natutunaw, magtanong kaya ako tungkol sa kanya kasi wala pa akong nalalaman sa pagkatao niya.

"Ah eh vince matagal ka na bang nagmamaneho ng jeep"

"Matagal na rin, kaya sanay na ako sa init at usok ng kalsada"

"Ah ganun ba"

"Siguro ikaw ung may ari ng restaurang ung villa montes kasi palagi kitang nakikita dun"

"Oo, syempre with the help of my parent kaya nakapagpatayo ako ng restaurant ko at para magamit ko na rin ung knowledge ko sa pagluluto"

Parehan na kaming natahimik, tanungin ko kaya kung may asawa o girlfriend siya

"Vince, if you don't mind may asawa o girlfriend ka na ba?"

"Asawa wala pa pero girlfriend nagkaroon pero dati pa un break na kami, ikaw ma'am Sofia may boyfriend ka na ba?"

Namula naman ako sa tanong niya, kasi kung sasabihin ko na nbsb ako as in no boyfriend since birth baka pagtawanan niya ako, bahala na nga

"Di ba sinabi ko sayo na wag mo na ko tatawagin na ma'am"

"Ay oo nga pala pasensya na nakalimutan ko" napakamot tuloy siya sa ulo niya "ung tanong ko hindi mo pa sinasagot" pag papaalala niya

"Sa totoo lang hindi ko pa kasi nasubukan na magkaboyfriend "

"Kung ganun ako pala ang first boyfriend mo pag niligawan kita"

You're The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon