Chapter 4

0 0 0
                                    

Sofia POV

Tama ba ung narinig ko na siya ang first boyfriend ko pag niligawan niya ako, mahirap umasa baka naman nagbibiro lang siya pero sana nga totoo

hanggang sa huminto na ung jeep niya dahil andun na kami sa may auto repair shop na pinag iwanan namin kagabi ng sasakyan ko kaya bumaba na rin kami at sakton sinalubon na kami ng mekaniko sa natatandaan ko peter ang pangalan niya

"Boss Peter, kumusta na ung ung kotse ng kaibigan ko" sabi ni vince, kaibigan talaga

"Mukhang hindi okay kasi may mga pyesa na bumigay na at kailangan palitan" sabi naman ni Mang Peter

"Pero sana naman po maayos niyo po kaagad para magamit na" singit ko naman

"Mukhang malabo iha kasi ung mga pyesa tatlong linggo pa bago dumating at maraming pa akong aayusin ung mga nauna pa sa inyo" -mang peter

"Pano po yan matatagalan pa pala"

"Mga mahigit isang buwan pa bago ko ito matapos, maiwan ko muna kayo at marami pa akong gagawin"

"Sige po, salamat po" sabi ko naman

Sumimangot ako nung marinig ko un matagal pa pala maayos ang kotse ko

"Pano yan kailangan ko pa magcommute" sabi ko naman habang nakasimangot

"Ah sofia wag ka mag alala kasi ako na lang ang bahala ihahatid at susuduin na lang kita gamit nga lang ang jeep ko"

"Talaga, kung ganun babayaran na lang kita" bigla naman ako napangiti sa sinabi niya

"Kahit wag na kasi palagi naman ako dumadaan sa tapat niyo"

Gwapo na nga ung driver ko malilibre pa ko ng sakay ang swerte ko naman pero nakakahiya naman kung hindi ako magbabayad

"Salamat talaga ang bait mo"

"Walang anuman at matagal na akong mabait" sabay tawa natawa na rin ako sa sinabi niya

"May number ka ba para matawagan kita just in case na hindi ako lalabas? Kaya nilabas ko ang cellphone ko, iphone 6 pinadala pa ni mommy galing US

"Meron" sabi naman ni Vince

sabay niyang nilabas ang cellphone niya galing sa kanyang bulsa, lumang nokia keypad ang cellphone niya buti gumagana pa un kasi face out na un ngayon

Mapansin niya yata na nakatingin ako sa cellphone niya

"Pasensya ka na sa cellphone ko luma na pero hindi naman to nauubusan ng load" pagbibiro niya kaya tumawa na lang ako

Tinignan ko ang relo ko at mag alas onse na pala ng umaga..

"Hatid na kita sa restaurant mo" pag yaya niya sa akin at tumango naman ako kaya sumakay na ko ng jeep niya

Habang pinapaandar niya ang jeep niya tahimik lang kami habang siya naka focus lang sa daan hanggang makarating kami sa restaurant

"Salamat sa paghatid baka gusto mong kumain muna sa loob" pag aanyaya ko sa kanya

"Next time na lang, may gagawin din ako sa amin kaya medyo nagmamadali na rin ako" pagtanggi naman niya

"Sige salamat ulit" kaya bumaba na ko ng jeep niya at pumasok na sa restaurant, siya naman ay umalis na rin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon