Prelude
Sa pamilya ng Genovese, anim lang kaming magpi-pinsan. Si Ate Seraphim, Kuya Rome at Kuya Andrei ay magkakapatid na anak ni Tito Gavin at Tita Anastacia. Si Eloisa at Reese naman ang mga kasing-edad kong pinsan na anak naman ni Tito Enrique at Tita Melinda. Lahat sila ay mababait at mahal na mahal ko.
At ako naman, nagiisa lang akong anak ni Mommy Cassandra at Daddy Adriano.
Sumakabilang-buhay na ang Lolo ko, kaya Lola ko na lang ang nabubuhay. Nasa Genoa, Italy siya ngayon at doon naninirahan kasama ang dalawa pa niyang anak na si Tita Catalina at ang bunso sa magkakapatid na si Tita Milliana. Kapwa sila walang anak.
Half-filipino, half-italian ang lahi ng pamilya namin. Mayaman at kilalang pamilya ang Genovese sa Genoa. At dito sa Pilipinas, isa mga disenteng pamilya ang Dela Vega, ang pamilyang pinagmulan ng Daddy ko. Kaya naman ang pangalan ko ay Cairo Genovese Dela-Vega.
At bago ko malimutan, ito ang istorya ko.
BINABASA MO ANG
Game of Hearts
RomanceCairo Genovese-Dela Vega. The definition of kind, intelligent and beautiful lassie. Nasa kanya rin ang bagay na papangarapin ng isang babae. Wealth, family and friends. At her age, 19, marami na siyang bagay na natutunan sa buhay ng isang tao. Kabil...