GOH - Chapter 4 { Arisa Gonzales & Ezekiel Lopez }

68 3 1
                                    

Between Each Other {pt.1}

Tuloy-tuloy lang ang daloy ng engagement party simula nang dumating ang mga mismong Lopez. At ngayon, katapat ko ang mga magulang nina Zach, Xerxes, Ezra, Hugh, Candice at Margaery. Nakangiwi lang ako habang nakikinig sa usapan ng dalawang pamilya. Ano ba dapat ko gawin? Hindi nga yata ako dapat nakaupo sa table na kinauupuan ko. I mean, out of place ang dating ko. Sasagot lang ako kapag tinanong nila kung sino ako. Oh yes, who I am and what's my relationship with the future bride of Zeke Lopez. Tatawa kapag nakakatawa ang usapan. All thanks to Trisha, na walang ginawa kundi dalhin ako sa lugar na hindi ko dapat nilulugaran.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Magi-eleven na ng gabi pero buhay na buhay pa rin ang mga tao.

Napatingin ako sa mga katabi kong sina Trevor at Lucas. Tulad ko, tahimik din sila dahil iniwanan sila ng mga pinsan nila. Nautusan kasi sina Honor na batiin at i-entertain ang mga bisita. Gonzales' hospitality, sabi nga Trisha.

"Nakakabanas naman!" Bulong ni Trevor. Frustrated ang itsura niya habang nakatingin sa mga pinsan ni Zeke na nagkakasiyahan sa harap ng lamesang puno ng mga iba't ibang klase ng cocktails. Kitang-kita rin ang ginagawang pambababae ng mga ito. I rolled my eyes nang makita ko ang unti-unting paggapang ng braso ni Zach sa baywang ng isang babae.

"Relax, Trevor. Hayaan mo na sila." Tinapik ni Lucas ang balikat ni Trevor. Kaunti na lang, pupurihin ko na si Lucas. Trisha's right. Mabait ang mga pinsan niya lalo na si Lucas. Kalmado lang siya kahit parang pikon na si Trevor sa isang bagay. Tahimik lang siya pero positibo lagi ang mga salitang itinutulak ng bibig niya. At kung titingnan mo pa ang pisikal niyang itsura, may laban siya sa mga Lopez, dahil gwapo talaga siya.

Napanguso ako bigla. Bakit ko ba sila ipinagkukumpara? Kahit hindi alam ng iba, panalo si Lucas pagdating sa ugali. Well my point is, mabait, hindi mainitin ang ulo, hindi bastos pero gwapo. Yes, perfect guy....

Biglang napa-awang ng mga labi ko ng mahuli nanaman niya akong nakatitig sa kanya. Napamura ako sa isip ko. Ano ba, Cairo? Lagi ka na lang ba magpapahuli? No. Lagi mo na lang ba siyang titigan? Get a grip, please! Nakakahiya!

A smile broke out from his lips, flashing his perfect set of white teeth.

"Kanina ka pa, ah." Natatawa niyang utas sa'kin.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nag-init ng sobra ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Masyado bang transparent ang titig ko? At kanina pa pala niya alam na tinititigan ko siya? God, lunukin na sana ako ng hiya!

"H-ha?"

Iyon na lang ang lumabas mula sa'kin. Hiyang-hiya ako sa puntong hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. I bit my lips and flushed even more when he chuckled. It was too sexy for a guy!

"Gusto mong cake? Kukuha ako."

"Cake?"

"Yeah? You want me get some?"

"P-please do." Sagot ko at naka-hinga ng maluwag.

Tumayo siya at pumunta sa may lamesa kung saan ay nakalagay ang higanteng cake. Strawberry-flavored iyon dahil si Arisa mismo ang nagpagawa at dahil na rin sa paborito iyon ni Arisa. Tuloy-tuloy pa rin ang pagkukwentuhan ng mga Lopez sa Gonzales. Magsasalita sana ako kay Trevor nang biglang magtanong si Mrs. Audrey Lopez, ang Mom ni Ezekiel.

"Maayos bang makisama sa'yo si Zeke, Arisa? Well, I know my son well. He's an ass at hindi namin iyon mapigilan." Isinubo nito ang maliit na piraso ng cake.

Ngumiti naman si Arisa at tumango. "Yes, mom. Ang totoo nga po niyan, ibang-iba si Zeke. He's sweet and caring."

Mr. Jaime Lopez grinned; siya naman ang Dad ni Ezekiel. At malinaw na rito na kuha ni Ezekiel ang kanyang features. Marami ang pagkakahawig nila. Well, halos naman ng magpipinsan ay magpagkakawari, except the girls especially Margaery. Medyo familiar ako sa itsura niya.

Game of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon