GOH - Chapter 3 { Meeting the Lopez }

68 3 2
                                    

About Everything {pt.3}

"So cousins, I want you to meet them. Sila ang mga pinsan ni Zeke. And you guys, sila naman ang pinsan ko." Pagpapakilala ni Arisa sa bawat side. There are six new faces in front of us. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang dating nila sa'kin. I find them intimidating kahit na napaka-inosente nila. I know, weird. O baka naman ako ang weird?

Biglang may nalaglag na kung anong bagay. Napalingon kaming lahat kay Nicole. Keme siyang ngumiti sa'min.

"Sorry. I dropped my clutch." Nang mapansin ko ang clutch niya sa ilalim ng lamesa ay napa-nganga ako.. It was a genuine-silver puff clutch with Swarovski-crystal embellishments on clasp. Clara Kasavina's Dolly product, to be precise. Sobrang mahal ng ganoon! Even my Mom had her jaw dropped back then, though she bought one as well.

Iniurong ni Nicole ang kanyang upuan para kunin ang nalaglag niyang clutch. Parang nag-init ang mukha ko nang yumuko si Nicole. "N-nicole..." I whispered under my breath. Her strapless dress is revealing her hollow! Napasinghap ako nang makarinig ako ng sipol mula sa kabilang grupo. I glanced up to their group and gave them a slightly exasperated look. What are them, some sort of salacious gang? Damn.

Namula si Nicole nang mapansin niya ang ginawang pagsipol ng mga Lopez. Arisa grabbed the opportunity to ease the tense dahil nagkakasamaan sina Trevor at ang mga lalaki sa kabila.

"Ano ba kayo. 'Wag nga kayong ganyan sa isa't isa." Napabuntong-hininga si Arisa. "Trevor and Lucas, relax lang, okay? This is party. Hindi arena." Lumapit si Arisa sa mga Lopez at isa-isa 'yong ipinakilala sa'min.

"Magsisimula ako sa babae. Cousins, these lovely ladies are Margaery and Candice."

We smiled at them. They're indeed stunning. Candice smiled back at us. Mas lalong nakapag-paganda ang pag-ngiti niya kahit na may brace siya. Her hair is brunette at bumagay iyon sa black velvet dress niya.

"Hello." Bati niya.

But then, the one named Margaery just scowled at us. Napalingon naman ako kay Honor na napataas ang kilay sa inasal ng babae sa'min. Natawa naman ang mga lalaking Lopez sa inasal ng dalawa.

"So, napakaganda mo pala, Arisa." Margaery commented to Arisa and then gave us, the girls, a sweet smile.

"Sinasabi mo bang pangit kami?" Singit ni Nathalie at pinukulan ito ng masamang tingin.

"I didn't." Margaery shrugged before giggling.

"Tama na, guys." Galit na salo ni Arisa. Sino ba naman hindi maiinis? Everyone is supposed to be enjoying, not like this. Tumikhim si Arisa bago magpatuloy.

"Ito si Ezra." Turo nito sa isang gwapong lalaki. Medyo mahaba ang buhok niya na para bang KPOP star. May hikaw siya sa labi niya. Hindi ba masakit 'yun? May tattoo rin siya sa kamay niya na rosas. Parang si Nathalie lang.

"Siya naman si Hugh."

Ngumiti sa'min ang isa pang gwapo. Clean cut naman ang buhok niya at neat siyang tingnan.  Nagi-green din ang mga mata niya kaya ang fresh tingnan. May lahi kaya ang isang 'toh? Green eyes are way too unusual for Filipinos. Pero mas matimbang ang sex appeal ni Ezra. 

"At 'yong nasa dulo, siya si Xerxes."

Isang pilyong ngiti ang ibinigay ni Xerxes sa'min, no, not really. Para sa kapatid ni Nicole iyon. And Juris giggled, for serious. Inilagay pa ni Juris ang kanyang hibla ng buhok sa likod ng tainga niya. Is he hitting on her? Maya-maya ay narinig naming tumikhim si Margaery at inirapan kami.

"What the..." Honor trailed off.

"My god! What's wrong with you girls?" Singhal ni Arisa.

"Pasensya na kay Margaery." Candice tapped Margaery's head.

Game of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon