GOH - Chapter 5 { Enfolded By His Arms }

87 6 4
                                    

| This chapter is dedicated to EllenKhay; for me, siya ay mabait na author. Lagi niya akong minemessage kapag updated na ang Wasted. Ako rin 'yung kinwentuhan mo about 'January' novel. Di ko lang sure kung tanda mo pa ako dahil nagpalit ako ng username. Haha! Anyway, thank you ate. Isa ka pinakamabait na author na kilala ko sa lupain ng Wattpad. |

-

Natapos ang engagement party at nagdaan ang araw nang hindi ako makapag-isip ng maayos. Gusto kong kalimutan pero pilit na nagsusumiksik sa utak ko ang reaksyon ni Ezekiel. He was mad back then at nalilito ako kaiisip ng dahilan kung bakit nagtangis ang bagang niya na para bang irita sa sinabi ko.

I mentally shook my head.  It's just...I have no idea.

Ibinaba ko ang laptop ko at inilagay iyon sa lalagyan. Katatapos ko lang makipag-usap sa mga pinsan ko via Skype. Nalaman kong lumbay na lumbay si Ate Sera dahil hindi niya naabutan ang hinahabol-habol niyang ex-boyfriend. Seryoso, kaunti na lang at sasabihan ko na siyang huwag masyadong magpaka-desperada. Kung sa kanya talaga ang lalaki, babalik at babalik iyon sa kanya, diba? No matter how hard the hardships are, kung sa'yo, para sa'yo. Love will find a way, at naniniwala ako roon.

"Really." Bulong ko habang inaalala lang ang pugtong mata ni Ate Sera kanina habang nakaharap sa'kin sa Skype. Ano bang klaseng lalaki iyon para habulin ng isang babae? Perfect?

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Arisa.

"Hey? What's up?" Panimula ko.

'Yes, here's the what's up. Pack some clothes and get you ass ready." Tugon niya na ikinataas ng kilay ko.

"Anong meron?"

'Just pack clothes for three days and two nights. Maga-out of town tayo! Swimming etc!'

Nanlaki ang mga mata ko. Out of town?! Hindi puwede. Hindi ako alam ng mga magulang ko. I know, nasa tamang edad na ako pero wala silang ideya. Saka, bakit biglaan naman itong si Arisa? Bakit hindi niya agad sinabi sa'kin hanggang maaga pa? I heaved a frustrated sigh.

'Be ready. We'll fetch you there, okay? Mga one hour kaya bilisan mo!'

'Okay.'

Pinatay ko ang tawag at tinawagan naman si Mom.

'Napatawag ka?' 

"Maga-out of town po sina Arisa. Sasama po ako. Pwede naman po diba?" 

'Ngayon na? Hindi bukas?'

"Ngayon na at hindi bukas.' She snorted to my answer. Tumawa lang ako. Narinig ko namang sumunod ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. Saglit na nawala si Mom. Malamang ay kinakausap si Dad. Nang bumalik siya ay narinig ko nanaman ang pagbuntong-hininga niya bago muling magsalita.

' Ilang araw ba yan, ah?'

"Three days, two nights po."

'Sige na nga. Magiingat ka, 'nak.

"Yes po. Thanks there."

'Okay. Sige na't marami pa akong papeles na inaasikaso. I love you. Magiingat ka.' At namatay ang linya.

Lumapit ako sa wardrobe ko at nag-empake ng ilang damit. Simple lang ang kinuha kong damit; mga faded jeans at shirts lang. Sa mga beach dress naman ay pinili ko ang Victoria's Secret brand, puro floral iyon at saka hindi ko pa nasusubukang isuot iyon. Red, blue and black naman ang pinili kong kulay para sa swimwears. Kaya naman ng matapos ako, katamtaman lang ang laki ng dala ko. Mas maganda na iyon kaysa sa sobrang laki. Hindi naman kami roon titira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon