Nandito ngayon ako sa rooftop ng school, lagi naman akong nandito eh. Umiiyak mag isa. Di ko pa rin talaga sya makalimutan, bat kasi nangyayari ang ganitong sitwasyon sa akin. Ano bang nagawa kong kasalanan. Tatlong taon na ang nakakalipas nung natapos lahat ng kahirapan at masakit na napag daanan ko sa Villa Selor. Tinatanong ko na lang sa sarili ko na bakit pa ako pumunta dun.
Bigla na lang akong natawa sa aking sarili. Syempre ginusto ko yung nangyari... saan na kaya sya? Nandun parin ba? Ano kayang nangyayari sa kanya ngayon? Malamang masaya na. At ako dito mag iisang taon nang emo, loner, at di man lang ngumingiti. Ang sakit isipin, ang sakit sakit parin.
Alam mo yung feeling na ang bait bait nya sayo sa una tapos papaniwalain ka nyang mahal ka nya? Tapos nagkakabutihan na kayo, tapos pagkatapos nun iiwan ka nya. Ipagtatabuyan... pinaniwala ka nyang mahal ka nya, yun pala hindi Yun bang pangpalipas oras ka lang. Tapos pag bored na saka ka lang pupulutin kung saan ka nya mismong tinapon nung hindi ka pa nya kailangan...
tapos ikaw naman si tanga tanga na sasabihing "Ok lang. Sige. Oo." Ang mga isasagot mo kasi nga mahal mo. Kasi nga ayaw mong ma bored sya. Kasi nga ayaw mong malungkot sya dahil mag isa sya. Kasi nga ayaw mong lumayo sya sayo kaya hindi mo sya tinatanggihan.
Naku! Naranasan ko na yan. Grabe lang talaga, grabe! Naiisip ko lang kung gaano ako katanga noon. Pero sige go lang ng go! Wala eh. Mahal ko... tutal kanina pa ako umiiyak dito sige ha-hagulgol na lang ako sa iyak.
Wala kaming pasok ngayon dahil vacant namin sa ekonomiks. kaya pumunta na ako dito sa lagi kong tambayang rooftop. Ewan ko kung bat ako lagi napapadpad dito. Siguro mahangin at kitang kita mo dito yung buong Campus... iyak lang ako ng iyak. Halos araw araw na akong ganto eh. Simula ng nangyari after 3 years ago. Hayy.. bat ba kasi ako ganito! Ang pangit pangit ko na tuloy. Habang sinasabi ko yun sa aking sarili pinupunasan ko na yung mga luhang nag uunahan na namang bumagsak. Gamit ang aking palad.
Ngayon. Iniisip ko na lang na kailan ako mag sisimula? Ano kayang gagawin ko para kalimutan ko sya? Ano? Talaga bang kakalimutan ko na sya? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam.
WHEN DO I START??
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.A/N: Guys hindi pa to yung una ng storya ko. Sa susunod na chapters ko pa sisimulan. Sa chapter 1 ko pa ikwekwento yung past nya bago sa future sisimulan ko dun. Pinakita ko lang po dito yung future kung paano sya mag uumpisang tanggapin ang kasalukuyan.
At dito natin malalaman kung mag mamahal pa ba sya? Kung sa nakaraan nya ay labis syang nasaktan.
Paalala: Kung ayaw nyo po itong storya ko. Free to delete this in your library!
Enjoy Reading!
Happy Reading!Godbless :)
YOU ARE READING
When Do I Start? (On Going)
Teen FictionI wish I could probably back the time, I doubted my self in my past and now. It hurts, it hurts so much... He not even understand my feelings yet I understand his mine. Yes, i did not fight for him, and why is that if he destined in another girl? A...